Chapter 42

1.7K 29 0
                                    

ANDREA'S P.O.V.

Mabilis ang oras at lunes na naman. Pasukan na naman. Nakakatamad na pumasok. Pero kailangan eh! Haha.

"Andrea", tawag sakin ng isang lalake

Boses pa lang kilala ko na. Bwiset! Bakit kasi hindi ako sinundo ni Ares eh!? Ayan! Nagkaroon tuloy ng chance 'to para kausapin ako.

"Kausapin mo naman ako oh", sabi ni Grae

Nagpatuloy ako sa paglalakad at hindi siya pinansin. Pero patuloy pa din siya sa pagsabay sakin sa paglalakad habang nakaharap sakin.

"Please", sabi niya pa

Pero hindi ko pa rin siya pinansin. Pumikit ako at kinuha sa bulsa ng varsity jacket ko ang shades at agad na isinuot ito saka ko muling dinilat ang mga mata ko.

Alam kasi nilang lahat ang tungkol sakin, maliban kay Grae. Wala rin ni isa sa kanilang magbalak sabihin 'yon sa kanya.

"Mahal kita", sabi ni Grae

Napatigil ako sa paglalakad dahil sa sinabi niya. Hinarap ko siya.

"Ano na naman bang kalokohan 'to Grae?", seryosong sabi ko sa kanya

"Hindi kita niloloko. Totoo ang sinasabi ko, mahal kita. Mahal na mahal kita", sabi ni Grae

Yung itsura niya, mukha siyang hindi nakatulog ng ilang araw. Namamayat din siya. Ano ba sa tingin niya ang ginagawa niya sa sarili niya?

"Si Alyssa ang mahal mo at hindi ako. 'Wag mong lituhin ang sarili mo. Mas pinapahirapan mo lang ang sarili mong mamili. Okay lang naman sakin kung si Alyssa ang pipiliin mo. Magiging masaya ako para sayo at sa pinsan ko", sabi ko saka ako naglakad ulit

Pero sinabayan lang ulit niya ko sa paglalakad. Bakit kasi ang layo ng classroom namin ng first subject eh!? Kainis!

"Hindi ako nalilito. Sigurado akong ikaw ang mahal ko. Maniwala ka naman sakin oh. Please", sabi ni Grae

Ramdam ko sa boses niya ang sakit at lungkot. Ang makita ko siyang ganyan, mas nahihirapan at nasasaktan lang ako.

"Hindi mo ko mahal. Manahimik ka na please lang", sabi ko

Saka ko binilisan ang paglakad. Naramdaman kong tumigil siya sa paglalakad.

"Hindi mo na ba ko mahal?", tanong niya

Napatigil ako sa paglalakad dahil sa tanong niya. Hindi ko na ba siya mahal? Kung hindi ko na siya mahal bakit nasasaktan pa din ako? Bakit nahihirapan akong nakikita siyang ganyan?

"Hindi mo na ba ko mahal?", pag-uulit niya sa tanong niya

Napapikit ako at pinigilan ang luha ko. Damn. Bakit ba palagi na lang niya kong pinapaiyak?

"Kung hindi na kita mahal, sana hindi kita iniiwasan ngayon. Kung hindi na kita mahal, sana hindi kita pinagtatabuyan ngayon. Kung hindi na kita mahal, sana hindi ako nahihirapan ngayon. Kung hindi na kita mahal, sana hindi ako nasasaktan ngayon. Ngayon, sabihin mo sakin, hindi na nga ba kita mahal?", sagot ko sa kanya

Chasing You (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon