Chapter 49

1.6K 31 0
                                    

ANDREA'S P.O.V.

Isang linggo ang nakalipas mula nung nangyari 'yon. Isang linggo na ang nakalipas pero hindi pa din sila nagigising. Buti pa sila Ate Cheo, Ate Makspeyn, Kuya Third at Alyssa ay gising na. Nagpapagaling na sila.

Samantalang sina Ate Venus, Ate Demeter, Hestia, Kuya Aeolus, Kuya Caerus, Kuya Hephaistos, Kuya Helios, ay hindi pa din nagigising. Sabi ni kuya Kelvin, maayos naman ang lagay nila. Pero nakakalungkot lang kasi hindi pa rin sila nagigising.

"Okay ka lang? Magpahinga ka naman", sabi ni Hyrie saka siya umupo sa tabi ko

Si Messyne ay nag-abot ng pagkain.

Nandito kami sa hospital. Isang linggo na akong pabalik-balik dito. Wala na rin namang masyadong ginagawa sa school.

"Okay lang ako. Mas mamamatay ako kapag hindi sila nagising", seryosong sagot ko

Magaling na rin naman ang mga sugat nila. Pero bakit hindi pa din sila nagigising? Bakit ganon? Pakiramdam ko tuloy kasalanan ko. Kasalanan ko lahat.

"Kung sana may maitutulong lang kami ni Hyrie, ay tumulong kami. Ni hindi namin alam na ganito na pala ang nangyayari", sabi ni Messyne

Pilit akong ngumiti sa kanila.

"Mas mabuti na yung wala kayong alam. Para hindi na kayo nadawit. Mas hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung pati kayong dalawa, nadawit dito", sabi ko

Silang dalawa, bestfriends ko na simula pinanganak kami. Kasama ko na silang lumaki. Karugtong na sila ng pagkatao ko. At hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kanila nang dahil sakin.

Hindi na baleng ako yung masaktan, basta 'wag silang dalawa. Hindi na baleng ako yung umiiyak, basta nakangiti silang dalawa. Kasi mas uunahin ko talaga ang kapakanan nilang dalawa kesa sa sarili kong kapakanan.

"Andrea", sabi ni Hyrie

Napatingin ako sa kanya pero nginuso niya sa likod ko. Kunot-noo akong tumingin sa likod. Pagtingin ko, nakita ko sina Ate Agatha, Ate Kyara, Kuya Spade, Kuya Stroam, at si Grae.

"Baka bibisita sa mga kaibigan nila", sabi ko saka na ko tumayo at akmang papasok sa hospital

Nandito kasi kami sa labas. May kubo-kubo dito na pwedeng tambayan kung ayaw mo sa loob.

"Shobe, teka lang", sabi ni ate Kyara

Nilingon ko sila at tinignan ng masama.

"Wala akong sasabihin sa inyo. Kung bibisita kayo sa kaibigan niyo, doon kayo sa kwarto niya dumeretso at huwag sakin. Hindi ko kailangan ng mga taong kagaya niyo rito. Mas kailangan kayo ng kaibigan niyo", sabi ko

"Pakinggan mo muna sila", sabat ni Grae

Sinamaan ko kaagad siya ng tingin matapos niyang sabihin sakin 'yon.

"Wala naman akong dapat pakinggan. Meron ba? Kung hihingi kayo ng tawad, hindi ko 'yan kailangan. Hindi magigising ng sorry niyo ang mga taong binabantayan ko rito. Kung sasabihan niyo ko ng salamat, mas lalong hindi ko 'yo kailangan. Hindi ko kailangan ng pasasalamat mula sa mga taong kagaya niyo. Hindi ko kailangan", deretsong sabi ko

Nakita kong nanggigilid ang mga luha nila bago ako tumalikod. Wala na kong pakialam sa kanila.

"Ate, pagpasensyahan niyo na siya ha?", rinig kong sabi ni Hyrie

Chasing You (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon