Chapter 2

3.4K 53 1
                                    

KYARA'S P.O.V.

Hi, Kyara Buenaventura here.

Isa sa mga kaibigan ni Grae. Actually, hindi lang kami magkakaibigan. Magkaklase din kami. One year ahead kami kay Andrea.

"Ikaw kasi tinawanan mo pa! Alam mo na ngang naiinis yung tao", sabi ni Cheo kay Third

"Sorry naman. Hindi ko mapigilan", sagot ni Third habang nagpipigil pa rin siya ng tawa

Kung hindi lang sana namin matagal na kilala 'to pati pamilya niya, iisipin ko talagang bakla siya. Daig pa niya babae sa kadaldalan eh. Tsk.

"Oh, hi dude", biglang sabi ni Spade

Kaya napatingin kami, and yeah—Grae is here, with that bitch.

"Ano meron?", nagtatakang tanong ni Grae

"Yung girlfriend mo, inasar nitong si Third. Ayun, nag-walk out", sabi ni Stroam

"Girlfriend? I don't have a girlfriend", kunot-noong sabi ni Grae

"Si Andrea tinutukoy nila. Hahahahaha", tumatawang sabi ni Third

Bigla namang sumeryoso ang mukha ni Grae.

He's always been like that. Everytime na nababanggit ang pangalan ni Andrea, o 'di kaya kapag si Andrea ang usapan.

"She's not my girlfriend. And she will never be", seryosong sabi ni Grae

Bigla namang inakbayan ni Third si Grae tapos nginitian ng nakakaloko. Mang-aasar na naman 'to, panigurado.

"Well, kung ganyan ang usapan, edi pwede ko na siyang pormahan? Alam mo dude, type na type ko talaga yang si Andrea eh, dati pa. Kaso nga lang, akala ko type mo kaya hindi ko pinopormahan. Pero dahil diyan sa sinabi mo, hmm. Pwede na", seryosong sabi ni Third

Ang seryoso niya habang sinasabi yan, I swear! Sinapian yata 'to ng masamang espiritu! Jusko!

"What the hell Third? Seryoso ka!?", sigaw ni Cheo

Tinignan siya ni Third at halata talaga ang pagkaseryoso ng aura niya ngayon.

"Do I even look like I'm kidding?", seryoso niyang tanong kay Cheo

"Omygosh! I can't believe this!", sabi naman ni Agatha

"Ayaw niyo yun, atleast sa may kwentang tao mapupunta si Andy. Baka sakaling sumaya na. Mas mabuti na yun, kesa ipagpatuloy niya ang pagpapakatanga kay Grae, wala rin naman siyang napapala kasi paulit-ulit siyang nababalewala. Diba, Grae?", nakangising sabi ni Makspeyn saka niya tinignan ng masama si Grae

Umirap lang si Grae at tinanggal ang pagkakaakbay sa kanya ni Third.

"Court her and friendship over", seryosong sabi ni Grae

Saka na siya naglakad paalis. Naiwan naman dito yung babaeng kasama niya.

"Kita niyo yun? Hahahahahahahahaha! Pikon siya mga tol! Sabi ko na nga ba eh, in-denial lang siya!", tumatawang sabi ni Third

Okay?

"And you? What are you still doing here? Get lost bitch", inis na sabi ni Cheo dun sa babae

Chasing You (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon