Chapter 4

2.6K 49 0
                                    

ANDREA'S P.O.V.

Nung matapos ang practice, nagyaya sila ate Kyara na kumain sa labas at may ipapakilala daw silang friend nila na kagagaling lang abroad, pero sabi ko next time na lang.

Gusto ko na talagang umuwi at magpahinga. I'm so tired physically and emotionally. Tipong gusto ko na lang umiyak nang umiyak hanggang sa mawala yung sakit. Pero kahit umiyak ako, wala pa din eh.

"Oh, ganyan itsura mo? Mukha kang zombie. Hahahahahaha!", sabi ni ate

Sinamaan ko lang siya ng tingin at ibinato sa kanya ang bag ko.

"Aray! Bakit ka ba nananakit?! Bwisit 'to! Ma, si Andrea oh!", inis na sabi ni ate

"Wag mo kong simulan, wala ako sa mood makipag-away sayo. Kaya pwede ba? Tantanan mo ko!", sigaw ko kay ate

Saka ko siya inirapan at tumakbo papuntang kwarto ko. Nakakainis kasi! Palagi na lang siyang epal! Gusto lang naman niya, aawayin ako tas magsusumbong, ako na naman magmumukhang masama! Kakainis.

*Knock *Knock *Knock

Napatingin ako sa may pinto nung biglang may kumatok.

"Pasok, bukas 'yan", naiirita kong sabi

Pagbukas ng pinto, nakita kong si Momshie ang pumasok.

Momshie, si Lola. Momshie lang talaga ang tawag ko sa kanya. Mama siya ng Mama ko.

"Kakauwi mo lang nag-aaway na naman kayo ng ate mo", sabi ni Momshie

"Siya naman palagi nauuna momshie eh. 'Di ko naman inaano, nambbwisit palagi", naiinis kong sabi

"Hays. Pagpasensyahan mo na ang ate mo iha. Alam mo namang naglalambing lang 'yan. Aba, ngayon lang umuwi ulit ang ate mo dito", sabi ni Momshie

Nag-aaral kasi si ate sa ibang lugar at nagbo-boarding siya. Umuuwi siya tuwing weekends o 'di kaya, tuwing bakasyon nila. She's taking up Civil Engineering.

"Paglalambing niya mukha niya momshie. Hindi kalambing-lambing ang pambbwisit niya sakin", inis kong sabi

"Hay nako. Kayong magkapatid talaga. O siya sige, magbihis ka na at bumaba na din. Kakain na din tayo maya-maya", sabi ni Momshie

"Sige po momshie", sagot ko

Ngumiti siya tapos lumabas na siya ng kwarto ko. Nagpunta ako sa banyo at naligo saka na rin ako bumaba para kumain.

-

CHEO'S P.O.V.

Hi, Cheo Andrexia Dela Cruz here. Isa sa mga kaibigan ni Grae at isa sa mga ate ni Andrea.

Kagaya ni Andrea, ako yung pinakamaldita samin, although lahat kami maldita, mas angat lang ako ng konti sa kamalditahan.

"Anyways, what's the name of that girl you want me to meet?", tanong ni JK

Chasing You (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon