Chapter 45

1.6K 27 0
                                    

GRAE'S P.O.V.

Narinig kong may kumatok sa pinto ng kwarto ko kaya naman napatingin ako ron.

"Grae?"

Napabuntong-hininga ako matapos kong marinig ang boses na 'yon.

"Pasok, nakabukas 'yan", sabi ko

Bumukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok siya.

"Kamusta lakad niyo nung isang araw? Ngayon ko lang natanong", nakangiting sagot niya

"Nasasaktan ako ate, sa totoo lang", sabi ko habang nakatitig sa kisame

Nakahiga kasi ako. Si ate naman nakaupo sa gilid ng kama ko.

"Bakit?", tanong niya

"Kasi nasasaktan ko siya", sagot ko

Mahal ko si Andrea. Sigurado ako don. Mahal ko siya sobra. Lahat ng sinabi ko sa kanya dati, lahat ng pinangako ko, totoo lahat 'yon. Walang ni isang kasinungalingan don.

Pero dahil sa isang maling galaw ko lang, nagbago ang lahat.

Nung dumating  si Alyssa, patago kaming nagkikita. Hindi ko alam. Balak ko naman talagang sabihin kay Andrea noon, pero naunahan ako ni Alyssa. Hindi ko alam na darating siya sa birthday ni Fire. Ang sabi kasi niya sakin noon, may pupuntahan siyang importante.

Kaya ko rin iniiwasan si Andrea non, kasi may gusto lang akong masiguro. Kung mahal ko nga ba talaga siya. Dahil sa pag-iwas na ginawa ko, napatunayan ko sa sarili kong mahal ko siya. Hindi ko kayang mawala siya. Pakiramdam ko mamamatay ako kapag wala siya sa buhay ko.

"Bakit hindi ka mamili habang mas maaga pa? Kahit anong gawin mo, isa kanila ang kailangang masaktan at maiwan Grae. Pag-isipan mo nga lang ng mabuti kung sino sa kanila", sabi ni ate

"Ni isa sa kanila, hindi ko kayang saktan ate", sagot ko

"Kaya mas pinili mong pakisamahan ang isa habang pinapaasa mo yung isa?", sabi ni ate

Napatingin ako sa kanya. Seryoso siyang nakatingin sakin.

Bigla ko tuloy naalala yung sinabi sakin ni Ares. Sino nga ba ang mas mahal ko?

Mahal ko si Andrea, oo. Aminado ako don.

Pero hindi ko alam kung anong nararamdaman ko kay Alyssa. Basta ang alam ko, masaya ako na nakabalik na siya. Masaya ako kapag kasama ko siya. Pakiramdam ko nagliliwanag ang mundo ko kapag nandiyan siya.

Si Andrea naman, kapag wala siya pakiramdam ko may kulang. Pakiramdam ko pinupunit yung puso ko sa tuwing may kasama siyang iba. Sa tuwing binabalewala niya ko.

"Grae, apektado kami. Simula nung birthday ni Fire, hindi na nakipag-usap sakin si Andrea. I tried calling her, pero hindi niya pinapansin. I tried approaching her pero ilag na ilag siya. Kahit si Fire, namimiss na siya. Hindi ko na alam kung anong sasabihin ko kay Fire. Nasasaktan din ako para Andrea. Alam mo kung gaano ka kamahal nung tao Grae. Alam mo kung paano ka niya hinabol at pinaglaban kahit ilang beses mo siyang pinagtabuyan", sabi ni ate

Chasing You (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon