Chapter 48

1.6K 27 0
                                    

ANDREA'S P.O.V.

Pagkarating namin ng hospital, sinabi sakin ni Daddy na nandoon lahat ng tauhan ko at masama ang lagay. Sana hinarap ko na lang 'to ng mag-isa para hindi na sila nadamay.

Nung matapos akong magamot, pinuntahan ko ang operating room kung nasaan sila ate Cheo at Alyssa.

*PAK!

Isang malakas na sampal ang natanggap ko mula kay ate Agatha.

"Kasalanan mo 'to lahat! Pinahamak mo kami! Dinamay mo kami! Kung hindi dahil sayo, sana hindi nag-aagaw buhay si Cheo ngayon! Pinairal mo masyado ang pride mo! Edi sana hindi nangyayari lahat ng 'to! Wala kang kwenta! Wala kang ginawa!", umiiyak na sigaw ni ate Agatha

"Agatha, kumalma ka", pagpigil sa kanya ni kuya Stroam

"Ano!? Kumalma?! Pagkatapos ng lahat ng mga nangyari sasabihin mo saking kumalma ako!?", sigaw ni ate Agatha

Inis kong hinila ang braso ni ate Agatha at nagpipilit siyang nagpumiglas pero hindi ko siya binitawan.

"Ano ba! Nasaskatan ako! Bitawan mo ko!", sigaw niya sakin

"Andrea!", sigaw nila sakin pero hindi ako nakinig

Kinaladkad ko si ate Agatha hanggang sa makarating kami sa ICU. Gulat siya ng makita ang hospital beds na puno ng pasyente. Lahat ng mga tauhan ko ay nandoon at nakakaratay sa ICU.

"Oh my gosh", hindi makapaniwalang sabi ni ate Kyara

"What the hell is happening here?", sabi ni kuya Spade

Tinuro ko isa-isa ang mga tauhan ko habang nakatitig ng masama kay ate Agatha.

Hindi ko maiwasang maiyak. Ako pa ang sinisi nila! Ni wala nga akong kinalaman sa nangyari!

Wala akong ginawa kundi ang iligtas sila! Kahit na buhay ko ang maging kapalit! Tapos ako pa ang sisisihin!?

"Ngayon mo sabihing kasalanan ko lahat! Ngayon mo ipamukha sa aking wala akong ginawa!", umiiyak na sigaw ko kay ate Agatha

Mas napaiyak lang siya. Kahit mismo ako hindi mapigilan ang maiyak.

"Alam mo ba kung ano ang totoong istorya? Alam mo bang wala akong kinalaman dito?! It was their problem and yet I involved myself just so I could save them!", sigaw ko

"A-andrea", umiiyak na sabi ni ate Kyara

Tinulak tulak ko si ate Agatha ng malakas hanggang sa tuluyan siyang mapaupo, pero kaagad siyang tinulungan ni ate Kyara.

"Bunso, tama na", pagpipigil sakin ni kuya Spade

Pilit niya kong hinahawakan para ilayo, pero pilit akong nagpupumiglas.

Sobrang galit ang nararamdaman ko ngayon sa kanila. Hindi ko na alam kung maituturing ko pa ba silang kaibigan.

"Ipinagkalulo ko ang mga taong 'yan para sa inyo! Isinugal ko ng mga buhay nila para lang protektahan kayo! Ngayon mo kong sabihang wala akong ginawa para sa inyo!", sigaw ko

Chasing You (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon