Chapter 57

1.4K 23 0
                                    

ARES' P.O.V.

Nakita ko si Andrea sa butterfly garden, kaya naman nilapitan ko siya. Wala rin naman akong ibang makasama dito. Mga kasama ko, nag-eenjoy masyado sa kakakuha ng picture. Tsk.

"Masaya ka?", biglang tanong ko sa kanya

Humarap siya sakin at ngumiti ng malawak. Tipong pati mata niya ngumingiti na. Parang mapupunit na labi niya sa sobrang lawak ng ngiti niya. Tsaka kulay dilaw ang mga mata niya.

"Masaya ka nga", natatawang sabi ko

Tumango siya. Tapos bigla niyang hinila kamay ko.

"Picture tayo bilis!", nakangiting sabi niya tapos bigla niyang hinarap samin yung phone

"Ano ba 'yan! Ngiti ka naman diyan. Kaasar 'to", sabi niya

Ginulo ko ang buhok niya at ngumiti. Tinapat niya ulit yung camera. This time, nakangiti na ko sa picture.

"Ayan! Gwapo mo! Hahaha", sabi niya

Napatawa na lang ako ng mahina. Ewan ko ba, pero kapag sa kanya galing ang papuri, daig ko pa lumulutang sa ere. Bakla, sht.

"Alam niyo iho, iha. Bagay kayo. Pero nakakalungkot dahil hindi kayo ang itinadhana", biglang sabi nung matanda

Nagulat naman ako sa biglang pagsulpot niya at nagsalita. Ganun rin naman si Andrea.

"Po?", naguguluhang tanong ni Andrea

Pero ngumiti lang yung matandang babae tapos bigla niyang kinuha ang kamay ni Andrea at hinaplos ang palad nito.

"Nahanap mo na ang para sayo. Kunin mo, habang maaga pa. Bawiin mo, habang kaya mo pa. Dahil kung papabayaan mo, mas lalong mawawala. Mas lalo siyang kakawala", sabi nung matanda

Napatingin naman sakin si Andrea. Nagkibit-balikat din ako. Wala naman akong alam eh.

"Hi guys!", sigaw ng isang babae

Kaya napalingon kami ni Andrea. And we just freakin' saw Alyssa.

"What is she doing here?", taas-kilay na tanong ni Andrea

"I don't know either", sagot ko

Pagharap namin wala na yung matandang babae. What the? Hindi man lang namin naramdaman o napansin na nawala siya. What is she?

"Uh, nevermind. I don't want to ruin my day. Mamasyal na lang tayo. Enjoy", nakangiting sabi ni Andrea

Tumango na lang ako at sumunod sa kanya.

Sinusundan ko siya kung saan siya nagpupunta. Picture siya ng picture. Minsan sinasama niya ko. Pero hindi ko talaga ugali ang magpicture. Tsk.

While looking at her right now, I'm happy. Masaya akong nakikita na kahit papano nag-eenjoy siya. Kahit papaano nakakangiti siya. Kahit papaano masaya siya. Nakakalimot kahit ano.

Seeing her smile, really lights up my world. She is my light. She is my star. She is my luck.

GRAE'S P.O.V.

Nagulat ako nung biglang nandito si Alyssa. Nagtext siya sakin kagabi, nagtatanong kung pwede raw pumunta. Pero sabi ko, hindi ko alam. Hindi naman kasi ako ang nagplano ng outing na 'to.

Chasing You (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon