Chapter 26

1.8K 22 0
                                    

ANDREA'S P.O.V.

One month.

Isang buwan na ang nakalipas simula nung araw na 'yon. Pero heto ako, nagpapakatatag. Pinipilit maging matatag. Masakit, oo. Pero hindi ko gagawing dahilan 'yon para sirain ko ang buhay ko.

Nasasaktan ako, oo. Pero alam ko, balang araw, mawawala din ang sakit na 'to. Balang araw, makakalimot din ako. Balang araw, magiging maayos din ulit ako. Balang araw, makakabangon muli ako. Kaya ko 'to. Ako pa ba? Haha.

Si Kevin, pinatigil ko na din sa panliligaw. Ayoko naman na siyang paasahin sa wala. Masaya ako, kasi naintindihan niya ang gusto kong sabihin. Naintindihan niya ang sitwasyon ko. At kahit nasasaktan na siya, nanatili pa rin siya sa tabi ko. Ngayon, magkaibigan na kami.

Kay Grae naman, wala akong balita. Madalang ko lang siya  makita sa school. Hindi rin naman siya sumasama sa mga lakad ng barkada. Hindi ko alam. At, wala naman na kong balak alamin. Kagaya niya, gusto ko na lang din malimutan lahat. Iwas problema, iwas sakit. Haha.

"Shobeee!", sigaw sakin ni ate Kyara

Napalingon naman ako at kumaway. Nagtakbuhan maman sila palapit sakin. Tapos niyakap ako. Mga sira. Akala mo naman hindi nagkita ng ilang taon. Well, madalang kami magkita this month kasi puro practice ako. Sumali kasi ako sa dance troupe ng school.

"Kamusta ka naman?", nakangiting tanong ni ate Agatha

"Maayos naman ate. Haha. Masaya nga ko eh. Lalo na ngayon. Nalilibang ako sa pagsasayaw", sagot ko

May intermission kasing gaganapin para sa upcoming event. Kaya, naisipan kong sumali sa dance troupe. Wala lang. Para libangin ang sarili ko?Kasi, gusto na talaga mag-move on. Kaya kailangan ko ng pagkakaabalahan para naman hindi ko na siya maisip pa. Diba?

"Papanoorin ka namin. Tapos ichi-cheer ka namin! Yiee!", sabi naman ni ate Cheo

"Salamat ate", sagot ko

"Kumain ka na bunso?", tanong ni kuya Spade

Napangiti ako at umiling. Hindi pa kasi kami nag-break eh. Pahinga lang saglit, pero 'di pa kami kumakain.

"Bilhan ka na lang namin. Balik din kami agad", sabi ni kuya Stroam

"Maiwan na ko dito. Gusto ko mapanood magpractice si bunso! Hahahaha", sabi ni kuya Third

"Naghahanap ka lang ng chixx eh", sabi naman ni kuya Stroam

"Hayaan mo na 'yan. Tara na", yaya ni kuya Spade kay kuy Stroam

Tapos ayun, umalis na sila. Naiwan naman kami dito.

"Andrea?", tawag sakin ni ate Venus

Si ate Venus ang leader ng group namin. Siya din ang pinakamagaling na sumayaw. Most of the steps, siya talaga ang gumagawa. And yes! Sobrang galing at sobrang ganda niya.

"Po ate?", sagot ko

Lumapit siya samin at ngumiti siya sa tropa.

"Pwede ko bang hiramin saglit si Andrea?", nakangiting sabi niya sa mga kasama ko

Chasing You (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon