Chapter 27

1.7K 27 0
                                    

ARES' P.O.V.

Ares Gutierrez. 16. Other informations? 'Wag na. Nakakatamad mag-inform.

"Oh, nakabusangot ka diyan?", pang aasar ni Venus

"Kelan ba ko ngumiti?", sagot ko

"Whatever Ares. Sana lang ay makahanap ka ng babaeng magpapatino sayo", sabi ni Venus

"What? I don't need love", seryoso kong sagot

Aanhin mo ba 'yan? Nakakain ba 'yan? Mabuhuhay ka ba nyan? Tch.

"Hahahaha! Tama na please! Kuya Third! Shattap ka na! Mygosh! Hahahahahahahaha!", malakas na sigaw ni Andrea

Kababaeng tao lakas lakas tumawa. Tch.

"Ehem, type mo si Andrea noh? Ayieee!", pang-aasar sakin ni Venus

Sinamaan ko lang siya ng tingin. Tapos bigla siyang nag-painosente. Saka ako tumingin ulit kay Andrea na patuloy sa pagtawa.

"Type ko? 'Yang babaeng yan? Tch. Ni hindi nga nangalahati sa standards ko, tapos type ko? What the hell?", inis kong sabi

Hindi ko magugustuhan 'yang babaeng 'yan kahit kailan. She's not my type. She will never be my type. Tch.

"Sus. Baka isang araw, kainin mo lahat ng sinabi mo Ares. Haha. Alam mo na, the more you hate, the more you love. Tsaka, opposite do attracts dude. Minsan nga, mas nahuhulog pa ang loob mo sa taong hindi mo gusto o sa taong hindi mo inaasahang mamahalin mo. Haha. Kaya 'wag kang magsalita ng tapos", sabi ni Venus

Tinignan ko siya ng masama.

"What? It's true", natatawa niyang sabi

"She looks weak Ven. She looks fragile. Siya yung tipo ng babae na, isang pitik mo lang, babagsak na. You think, deserve niya ang maging sakin? Hindi siya bagay sakin at mas lalong hindi ako bagay sa kanya. Mapapahamak lang siya sa mga kagaya natin", mariing sabi ko

Saka na ko tumayo at umalis muna ng practice room. Kinginang yan. Opposite do attracts daw. Saan naman galing yon? Tch.

ANDREA'S P.O.V.

Nagulat ako nung biglang umalis si Ares. Anyare don? Nabadtrip yata kay ate Venus. Ngek.

"Teka lang", paalam ko sa kanila

Saka ako lumabas ng practice room at sinundan siya. Pero, wala siya. Lah, bilis naman maglakad non.

"Sinong hinahanap mo?", malamig na sabi ng isang lalake

Halos mapatalon ako sa pagkagulat. Paglingon ko sa may storage room, nakita ko si Ares. Nakatayo at nakasandal sa may pader.

"Ikaw. Umalis ka kasi bigla eh. Nag-alala lang ako", sagot ko

Nag-aalala naman talaga ko. Baka kasi may nangyari ng masama o ano.

Chasing You (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon