Chapter 21

1.8K 29 0
                                    

ANDREA'S P.O.V.

Nung matapos ang klase ko, agad akong nagpunta sa hospital. Sabi naman nila ate Kyara, susunod na lang daw sila. Ayaw din namang sumama nila Hyrie at Messyne. So, ako na lang.

"Hi po tito, tita", bati ko kila Tito Rey at tita Dei

"Oh, ikaw pala iha. Upo ka muna", sabi ni tito Rey

Ngumiti naman ako at umupo. Saka ko inabot yung basket ng prutas na binili ko.

"Tapos na ba ang klase mo iha?", tanong ni tita Dei

"Yes po tita. Babalik din ako mamayang hapon kase may klase pa ko hanggang 4 pm", sagot ko

"I see. Thank you for coming iha. And of course, for taking him here in the hospital", sabi ni tita Dei

Ngumiti ako sa kanya. Hindi naman ako ganung kawalang puso para iwanan siyang ganon.

"Always welcome tita", sagot ko

Saka ako napatingin kay Grae. Pero hindi pa din siya gising. Hindi pa rin kaya siya nagigising mula kahapon?

"He was awake kaninang umaga Andy", sabi ni tita Dei

Mind reader ba si tita? O sadyang obvious na naman ako?

"I see. That's good to hear tita. Anong sabi ni kuya Kelvin about his condition tita?", tanong ko

"Okay naman daw. Kailangan niya lang magpahinga at magpagaling. Makakaramdam lang daw siya ng sakit sa ulo minsan, pero may binigay naman silang gamot para don", sabi ni tita Dei

"Hmm, mabuti naman po", sagot ko

"M-mom", mahinang sambit ni Grae

Agad kaming napatayo ni tita Dei at lumapit sa kanya. Napatingin siya sakin saglit pero agad din niyang iniwas.

"Yes anak, what do you need?", tanong ni tita Dei

Sinubukan niyang umupo pero hindi niya kaya, kaya sinubukan ko siyang tulungan pero tinanggal niya ang pagkakahawak ko sa kanya.

"Don't touch me", malamig niyang sabi

Ako na nagmamagandang loob, ako pa pagsusungitan. Hanep!

"Anak, 'wag mo munang pilitin kung hindi mo kaya", sabi ni tita Dei

"Tch. What is this girl doing here?", seryosong tanong ni Grae saka siya tumingin sakin

Napayuko naman ako sa hiya. Ayaw niya kong makita dito. Pero hindi naman niya kailangang ipamukha. Nag-aalala lang naman ako at gusto ko lang siyang makita at mabisita. Para tignan kung okay na ba siya. 'Yon lang naman, masama ba yun?

"Anak 'wag ka ngang ganyan. You should be thankful to Andy. Kung hindi ka niya nahanap, baka kung ano na nangyari sayo! Umalis pa siya ng school kahit may meeting sila para lang hanapin ka! Nung makita ka niyang naaksidente siya pa ang nagdala sayo dito! Alam mong may takot siya sa dugo pero sinantabi niya ang sarili niya at hinayaan niyang mabahiran siya ng dugo mo para lang maidala ka dito! Atleast be thankful Grae Del Fiego!", sigaw ni tita Dei

"Hon, calm down", sabi ni tito Rey

"No! How will I calm down?! Your son is so ungrateful! Siya na nga ang tinutulungan at binibisita dito, ganyan pa siya? My goodness!", inis na sabi ni tita Dei

Chasing You (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon