Chapter 40

1.9K 26 1
                                    

ANDREA'S P.O.V.

One week had passed at one week akong naka-confine sa hospital. Magaling na din naman ang sugat ko. Ayun lang, paminsan-minsan sumasakit pa din.

One week na din ang lumipas, pero hindi ko pa rin kinakausap ang tropa. Dumadalaw sila sa hospital, pero hindi ko sila pinapansin. Humingi na sila ng tawad, ilang beses, pero hindi ko alam kung paano ko sila patatawarin. Kasi hanggang ngayon, nasasaktan pa din ako.

Masakit naman kasi talaga. Pinagkatiwalaan sila. Sa lahat ng taong manloloko sakin, sila ang pinakahuli sa listahan. Pero at the end of the day, nagawa nilang magsinungaling sakin. Nagawa nilang itago sakin ang totoo.

'Wag nilang gawing dahilan ang katagang "wala ako sa posisyon", dahil nasa posisyon sila. Simula nung nalaman nila ang lahat, ay nasa posisyon na sila para sabihin sakin ang totoo. Pero hindi nila ginawa. Mas pinili nila ang maglihim at pagmukhain akong tanga.

Sasabihin nilang iniiwasan lang nilang masaktan ako. Pero hindi nila naisip na, mas maaga man o hindi ko nalaman ang tungkol don, masasaktan at masasaktan pa din naman ako eh.

"Lalim ng iniisip natin ah", biglang sabi ni Messyne

"Nasisid mo?", pabiro kong sabi

"Whatever", mataray niyang sabi

Dito na rin nag aaral sina Hestia at Artemis. Kaklase sila ni Ate Venus. Pinalitan din ang bantay ni ate. Ginawang sila Hephaistos at Demeter. Tutal sila daw ang nasa kolehiyo.

Sina Ares at Ate Venus ang bantay ko. Nirequest ko naman kila Daddy na kung pwede ay dito na mag-aral sina Hestua at Artemis bilang bantay nila Hyrie at Messyne.

Dahil sigurado ako, madadamay at madadamay silang dalawa dito. Ayoko namang may mangyaring masama sa kanila. Kaya hangga't maaari, gusto ko may prumotekta sa kanila.

Kung sa tropa naman ang iisipin, nirequest ko ang natitira. Sina Caerus, Aeolus, Helios ang inatasang magbantay sa kanila. Tatatlo sila, pero malalakas sila kaya alam kong kaya nilang protektahan ang tropa.

"Napapadalas ang pagsasama niyo ni Ares ah", sabi ni Hyrie

"Hmm. Magkaibigan kami", sagot ko

"Sinasabi ko lang na napapadalas ang pagsasama niyo, pero bakit ganyan ang sagot mo? Haha. Defensive ka masyado. Napaghahalataan ka eh noh", natatawang sabi ni Hyrie

"Aasarin mo lang kasi ako kaya inuhanan na kita. Sapakin kita diyan eh", sabi ko

"Whatever!", sabi ni Hyrie

Saka sila nag-apir ni Messyne at tumawa. Mga siraulo.

"Nalaman namin ang nangyari sa party ni Fire. Ngayon lang namin in-open up. Pero kung ayaw mo pag-usapan okay lang naman", sabi ni Messyne

"Hmm", sabi ko saka ako tumango at uminom ng Mogu-Mogu

"Okay lang. Haha. Sanay naman na ko. Tsaka, hayaan na natin. Tapos na eh. Wala na tayong magagawa", sabi ko pa

"Mukhang mahal ka naman talaga niya eh", sabi ni Messyne

Sasagot pa sana ako pero biglang nadako ang tingin ko sa dalawang tao. Isang lalake at isang babaeng masaya habang naglalakad papunta sa counter.

Chasing You (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon