Chapter 55

1.5K 22 0
                                    

ANDREA'S P.O.V.

Isang gabing puno ng sakit, galit, hinanakit, luha. Wala akong matinong tulog. Hindi tumigil ang mata ko sa pagluha. Kasi sobrang sakit talaga.

Hindi ko maisip kung anong pwedeng maging dahilan para gawin niya sakin 'yon. Wala naman akong ginawang masama sa kanya. Wala akong maalalang maling ginawa ko sa kanya.

Wala na kong ibang ginawa kundi hintayin siya. Ipaglaban siya. Magtiis sa ugali niya. Mahalin siya ng sobra sobra. Pero sa huli, nasaktan pa rin talaga ako.

Siguro nga, iyon ang naging pagkakamali ko. Masyado ko siyang minahal. Masyado ko siyang pinahalagahan. Nakalimutan ko ang sarili ko para sa kanya at 'yon ang mali ko.

Dapat pala nagtira ako para sa sarili ko. Dapat pala pinahalagahan ko muna ang sarili ko. Dapat minahal ko muna ang sarili ko. Dapat sarili ko muna.

"Shobe, are you okay? We are really really sorry for what he have done. Hindi namin alam na ganun pala ang nangyayari", malungkot na sabi ni ate Kyara

Napabuntong-hininga ako, saka ako ngumiti at tumingin sa kanila. Pero yung mga mukha nila, bakas na bakas ang pag-aalala at awa. Pero hindi ko kailangan ng awa. Hindi pa ko patay para kaawaan nila.

"I'd lie if I tell you that I am okay right now achi. Pero one thing's for sure. I will be okay", sagot ko

Tumango sila at nginitian ako, saka nila ko isa-isang niyakap. I want to cry right now, pero 'wag na muna. This is my moving up exercises day and I should be happy.

"Dun muna kami ha? See you later bunso. Congrats sa inyo", nakangiting sabi ni kuya Spade saka niya tinignan sina Hyrie at Messyne

Nag-thank you naman yung dalawa. Pagkatapos non, pumunta na sila sa likod para manood.

"Bes, patawarin mo ko kung anong magagawa ko kapag nakita ko 'yong lalaking 'yo ha?", inis na sabi ni Hyrie

"Don't. Hayaan niyo na. Even though you hurt him physically, walang wala pa rin yung sakit na nararamdaman ko. And hurting him doesn't mean it'll heal everything right now. Walang magagawa yung pananakit sa kanya. If that could take away all the pain, the heartaches and the tears, then ako na mismo ang mananakit sa kanya. Ang kaso, hindi eh", sagot ko

Totoo naman. Ano bang mapapala ko kung sasaktan ko siya physically? O kahit na emotionally. At saka isa pa, hindi naman porket sinaktan ka ng isang tao, ibig sabihin ay may karapatan ka ng saktan siya pabalik. 'Wag ganon. Hindi dapat ganon.

Ang mas mabuti pa ngang gawin ko, kalimutan na ang lahat. Ibaon na sa limot ang lahat. Simulang pahalagahan at mahalin ang sarili ko. 'Yo ang mas kailangan ko ngayon.

"Hays. Hindi ko alam kung gaano siya katanga at nagawa ka pa niyang ipagpalit sa iba", naiinis na sabi ni Hyrie

I smiled. Ganun yata kasi talaga diba? Kahit anong ganda mo at kahit gaano mo siya kamahal, kung para sa kanya, hindi 'yon sapat-magagawa at magagawa niyang maghanap ng iba.

"Full package na 'yang si Andy. Sadyang tarantado lang 'yon at hindi makuntento sa isa!", inis na sabat ni Messyne

Chasing You (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon