Chapter 18 (Part III)

1.9K 27 0
                                    

ANDREA'S P.O.V.

Madami pa kong ibang nakasayaw, pero hindi ko masyadong kilala. Mga anak ng business partners nila Dad, I think.

Pero hanggang ngayon, yung sinabi pa rin ni kuya Third ang iniisip ko.

Anong dahilan niya? Kahit anong pag-iisip ko, wala akong makitang sapat na dahilan.

"For her next dance, may we call on Mr. Grae Del Fiego", sabi ng emcee

What the f. Pati si Grae nilagay nila sa 16 roses and he's even my 15th dance! Goodness gracious ate, what were you thinking?!

Seryoso siyang naglakad papunta sakin at inabot ang rose. Naiilang pa kong ilagay ang kamay ko sa balikat niya.

Ayokong hawakan ang mga kamay niya dahil pakiramdam ko, makukuryente ako.

Nagulat na lang ako nung biglang nag-iba yung kanta tapos nakita ko si ate sa tabi nung kumakanta. Kinawayan pa ko at nginitian ng nakakaloko.

I will leave my heart at the door
I won't say a word
They've all been said before, you know

Pakiramdam ko, tumigil sa pagtibok yung puso ko. Sa paningin ko, kaming dalawa lang ang tao ngayon dito. Pakiramdam ko, bumagal ang takbo ng oras.

Ganito yuny naramdaman ko nung unang beses kong makita si Grae sa lugar na 'yon.

"About last night, I'm really sorry", pagbasag ni Grae sa katahimikan

"Tapos na, hayaan mo na", sagot ko

So why don't we just play pretend
Like when I'm scared of what's coming next
Or scared of having nothing left

"Are you mad at me?", tanong niya

May kakaiba sa boses niya ngayon. He's too calm that it's making me feel uncomfortable. Hindi ako sanay na ganito siya.

"Wala akong karapatang magalit", sagot ko

Napabuntong-hininga na lang siya. Pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin siya tinitignan at sa ibang lugar ako nakatingin. Sa malayo.

Ayokong tumingin sa kanya. Ayokong titigan siya sa mata. Baka kasi bumigay ang puso ko at habulin ko na naman ulit siya.

"Look, I'm really sorry. If you're mad, then please don't get mad at me", sabi ni Grae

"Please lang Grae, wala ako sa mood makipag-away sayo ngayon. It's my birthday. 'Wag mo namang sirain ang gabi ko, please", mahinahon kong sabi sa kanya

"I came because I thought you'll be happy when I come, but I guess you're not happy to see me here. Sana pala hindi nalang ako nagpunta", sabi ni Grae

Halata sa boses niya ang pagkainis.

Wow. So ano? Kasalanan ko na naman? Ako na naman mali? Ako na lang ba palagi?!

"This celebration will go on, with or without you Grae", deretsong sabi ko

Medyo napatawa siya ng mahina at yumuko pa.

Chasing You (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon