Chapter 33

1.6K 25 0
                                    

HYRIE'S P.O.V.

Naghintay kami dito. Dalawang oras na ang nakakalipas pero hindi pa din sila bumabalik.

"Tumawag na ako ng pulis", sabi ni ate Cheo

"What the hell? Sinabi nilang 'wag kayong tatawag ng kahit na sino!", sigaw ni ate Makspeyn

'Two hours na silang wala Maks! Anong gusto mong gawin ko!?", sigaw ni ate Cheo

"Ang makinig sa bilin ko. Sinabi ko naman sa inyong ibabalik namin siya dito ng buhay. Pero hindi kayo nakinig. Alam mo bang dahil sa ginawa mo muntik na kaming mapahamak pare-pareho?"

Paglingon namin nakita namin si ate Venus na ngayon ay masama ang tingin kay ate Cheo.

Nanlaki naman ang mata ni ate Cheo.

"Dumudugo ang kamay mo Ares", sabi ni ate Agatha

Pagtingin ko, patuloy ang pag-agos ng dugo sa braso niya habang buhat-buhat niya si Andrea.

"At ikaw ang may kasalanan nito! Alam mo ba ang ginawa mo ha!? Pinahamak mo si Ares pati na ang buhay ni Andrea! Kung hindi ka ba naman sana nagtawag ng pulis edi sana hindi mangyayari 'to!", sigaw ni ate Venus kay ate Cheo

"Stop", seryosong sabi ni Ares

Saka niya pina-upo si Andrea at sinubukang kausapin.

"Kamusta ang pakiramdam mo?", seryosong tanong ni Ares kay Andrea

"I-ikaw ang k-kamusta? 'Yang braso m-mo", nauutal na sabi ni Andrea

"I'm fine", sagot ni Ares saka siya tumayo.

Lumapit ako kay Andrea at tinabihan siya sa pag-upo. Tumabi rin samin si Messyne na kanina pa nag-aalala kagaya ko.

"Dalhin niyo siya sa hospital. Nanghihina pa siya. Sabihin niyo, naturukan ng potassium chloride", seryosong sabi ni Ares

"Ikaw? Paano ka?", tanong ni Messyne

"Kaya ko ang sarili ko", sabi ni Ares saka na siya naglakad paalis

Naiwan naman si ate Venus at nanatiling masama ang tingin kay ate Cheo.

"Alam mo bang dahil sa ginawa mo muntik nang mamatay si Andrea? Alam mo bang naturukan siya ng potassium chloride? Kailangan siyang i-revive within 5 minutes. Kapag hindi, tuluyang titigil ang tibok ng puso niya", seryosong sabi ni ate Venus

"What!?", hindi makapaniwalang sabi ni ate Agatha

Ngayon ay kitang kita ang panghihina ni Andrea. Ang putla niya at papikit na yung mga mata niya.

"Muntik na namin siyang hindi malapitan at hindi malaman na naturukan dahil sa pakikipaglaban. Dahil nalaman nilang may paparating na pulis. Alam mo bang ang dumukot kay Andrea ay hindi basta bastang tao lang? Hindi sila sakop ng batas. Pero dahil sa ginawa mo, nataranta sila at muntik nang tuluyan si Andrea", sabi pa ni ate Venus

Hindi nakasagot si ate Cheo at lahat kami ay bakas sa mukha ang pagkagulat. Muntik nang mamatay si Andrea.

"Isa lang naman ang pinakiusap ko. Ang 'wag kayong magtatawag ng kahit na sino. Mahirap bang gawin 'yon? Mahirap bang intindihin 'yon? Sa tingin niyo ba tutulong kami ni Ares kung hahayaan naming may masamang mangyari kay Andrea? May nakita ka bang ni isang galos kay Andrea!? May nakikita ka ba!? Ha!?", sigaw ni ate Venus

Ngayon ko lang siyang nakita na ganito kagalit. Most of the time kasi nakangiti lang siya. Pero ngayon, ibang-iba siya.

"W-wala", nauutal na sabi ni ate Cheo

"Eh wala naman pala! Alam mo kung bakit wala?! Kasi mas pipiliin pa namin nila Ares na kami ang masaktan at magalusan 'wag lang si Andrea! Alam mo bang mas pinahamak mo ang buhay ni Andrea? Sa ngayon, nasa panganib ang buhay niya! Dahil sayo! Dahil sa ginawa mo! Kung wala kayong tiwala samin, edi sige. Bahala kayong prumotekta kay Andrea. Oras na mangyari ulit ang ganitong pangyayari, kahit magtawag ka ng pulis, wala silang magagawa. At tandaan mo, oras na mangyari ulit 'to sa kanya, bahala kang iligtas siya. 'Wag niyong asahan ang tulong namin", sabi ni ate Venus saka niya sinipa ang lamesa sa kabilang upuan saka siya tuluyang umalis

"Simpleng instructions lang ang binigay sayo Cheo, pero hindi ka sumunod. Sa tingin mo, may magagawa ka oras na maulit 'to kay Andrea?", seryosong sabi ni ate Makspeyn

"I'm sorry okay!? I'm sorry! Hindi ko naman alam! Nataranta ako! Nag-alala lang din ako!", sigaw ni ate Cheo

"Pero hindi na maibabalik ng sorry mo ang lahat Cheo. Pinahamak mo ang buhay ni Andrea at mas inilapit mo lang siya sa katotohanan. Mas pinadali mo ang lahat Cheo. Konting panahon na lang ang meron tayo para makasama siya. Kaya sulitin niyo na. One of these days, kamumuhian na tayo ni Andrea. Tandaan mo 'yan", sabi ni ate Makspeyn saka siya tumayo at naglakad paalis.

"Gumagawa kami ng paraan ni Makspeyn para subukang ayusin ang nangyayari. Nag-iingat kami Cheo. Isang pagkakamali lang, mawawala lahat ng pinagsamahan natin. Mawawala si Andrea. Sa ginawa mo? Pinadali mo ang maikling panahon na meron tayo para makasama siya", seryosong sabi ni kuya Third saka na siya tumayo at umalis din

Ano bang sinasabi nila? Ano bang nangyayari?

Maya-maya pa biglang nag-ring ang phone ni Andrea. Unregistered number. Pero agad kong sinagot.

"Hello?", sabi ko

"Kamusta ka?", malamig na boses ng isang lalake

Kinilabutan ako bigla sa boses niya. Napatingin ako kila ate Cheo. Nagtataka nila kong tinignan kaya naman, ni-loudspeaker ko ang phone.

"Buhay ka pa ba? O naghihingalo na?", sabi ulit nung tumawag

Nagkatinginan kaming mga naiwan dito. Napatingin ako kay Andrea pero seryoso lang siyang nakatingin sa phone niya.

"Wag kang mag-alala. Magkikita pa ulit tayo. Magtutuos pa tayo. Hintayin mo", sabi ng lalaki

"Sino ka ba ha?!", sigaw ko

Pero imbes na sagutin ako ay tumawa lang siya ng malakas.

"Mukhang ligtas na nga siya at nasa inyo na. Ingatan niyo siya ha? 'Wag niyong aalisin ang paningin niyo sa kanya. Isang maling galaw niyo lang, samin na ulit ang buhay ng babaeng 'yan", malamig na sabi nung caller

Magsasalita pa sana ako pero pinatay na niya ang tawag.

"What have you done Cheo?", seryosong sabi ni ate Kyara

Lahat kami naiwang nakatulala. Hindi malaman kung anong gagawin. Kung magsasabi man kami sa pulis, naalala ko ang sinabi ni ate Venus. Walang magagawa ang batas dito.

"A-andrea", nauutal na sabi ni kuya Stroam

Nanlaki ang mata niya. Kaya naman napatingin ako kay Andrea. Kahit na mismong ako ay nagulat sa nakita ko.

"A-andy", nauutal kong sabi

Pero tila wala siyang naririnig. Seryoso ang mukha niya. Nakayukom ang kamao niya. At naging kulay pula ang kulay ng mga mata niya.

Chasing You (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon