Chapter 30

1.9K 25 0
                                    

ANDREA'S P.O.V.

Halos mapatalon ako sa gulat nung biglang mag-ring ang phone ko. Pagtingin ko, si Grae yung tumatawag. Psh.

"Oh?", bungad ko pagkasagot ko

"Hindi ka ba darating?", tanong niya

Birthday niya kasi ngayon. Hindi ko alam kung pupunta ba ko o hindi.

"Matutuloy ang party na 'yan kahit wala ako Grae", sagot ko

"Pero hindi magiging masaya ang gabing 'to kung wala ka ngayon", sagot niya

Nanahimik ako at hindi sumagot.

Hindi ko kasi maintindihan. Kung dati, konting actions niya lang, nabibigyan ko na ng malisya. Pero ngayon? Mas matindi pang motibo ang pinapakita ni Grae. Pero never naman siyang umamin sakin.

"Please?", sabi ulit niya

Ramdam ko ang lungkot sa boses niya. Bakit ba gustong gusto niya kong pumunta ngayon? Samantalang dati, halos pagtabuyan niya ko palabas ng bahay nila. Psh.

"Fine", sagot ko

"Thank you. I'll be waiting for you", sagot niya

Saka na niya pinatay ang tawag. Napabuntong-hininga na lang ako at pumunta na sa banyo para maligo.

"Oh, kala namin di ka na darating bunso", bungad ni kuya Stroam

"Eto sana first time na 'di ka sisipot sa birthday ni Grae kapag nagkataon", sabi ni kuya Spade

"Hindi niyan matitiis si Grae! Hahahaha", sabi ni kuya Third

"At 'di na rin ako makatiis sa kakulitan mo kuya Third. Konti na lang ibabato ko na 'tong plato sayo", asar na sabi ko

Kanina pa siya nang-aasar eh. On the way pa man din ako kanina dito tumawag siya. Umiiyak daw si Grae, ganito ganyan. 'Di pa daw lumalabas si Grae kasi nagtatampo, ganito ganyan. Kaloka!

"Joke lang bunso. Ikaw naman. Hahaha", sabi ni kuya Third

Inirapan ko nalang. Bwisit eh. Ang bilis ko maasar ngayon, hindi ko alam kung bakit. Psh.

"Hi everyone", sabi ni Grae

Nasa harapan siya ngayon. Nakahawak ng mic at ang lapad lapad ng ngiti. Sobrang saya lang eh noh? Tsk tsk.

"Thank you for coming tonight. I really appreciate it. This party won't go on without you guys so, thank you so much", nakangiting sabi ni Grae

Won't go on daw. Bakit? Kami ba may birthday? Tsk.

"Tonight, I would like you all to meet someone special for me. Someone I can't live without. Someone I almost lost. Someone I really love", sabi ni Grae

Napatingin ang tropa sakin. Binigyan ako ng nakakalokong ngiti. Maski si Grae napatingin sa gawi ko.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Hanggang sa nakita ko na lang si Grae na naglalakad palapit sakin.

Chasing You (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon