Chapter 32

1.8K 28 0
                                    

MAKSPEYN'S P.O.V.

A/N: Ngayon lang nagka-POV si Makspeyn! Haha. Matakot kayo! Charot!

"Umamin ka nga samin Maks. Anong alam mo?", tanong ni Cheo

"Anong alam ko? Madami. Bakit ikaw, wala ba? Nag aaral ka din naman kagaya ko", seryosong sagot ko

Alam ko naman ang tinutukoy niya. Pero kagaya ng sinabi noon ni Third, wala akong karapatang sabihin.

"Argh! Seryoso kasi Maks!", inis na sabi ni Cheo

"Nagsasabi naman ako ng totoo", sagot ko

"Pero parang may kakaiba kasi Maks. Parang may alam ka, na hindi namin alam", sabi naman ni Agatha

"Malalaman niyo din. Malapit na", sagot ko

"Bakit hindi mo pa sabihin ngayon?", tanong ni Kyara

"Wala ako sa posisyon at mas lalong wala akong karapatan", sagot ko

"Eh di may alam ka nga", sabi ni Cheo

"Wag niyong usisain si Makspeyn. Kung gusto niyo malaman ang totoo, wag siya. Bahala kayong maghanap ng sagot sa katanungan niyo", sabi ni Third

"Wow tol. Napapadalas yata ang pagiging seryoso mo? Haha", sabi ni Spade kay Third

"Kasi may mga bagay na hindi na nadadaan sa patawa tawa at pabiro biro lang. Subukan niyong alamin ang mga nalaman namin, tignan natin kung magawa niyo pang tumawa", sabi ni Third

Tama siya. Kahit ako, nung nalaman ko ang lahat. Hindi ako makapaniwala. Kahit sinong tao, hindi matutuwa. Ni hindi ko nga inakala na ganun pala ang totoong nangyari.

"Ang creepy niyong dalawa", biglang sabi ni Cheo

"Porket may alam na, creepy na? Tss", sagot ko

Hindi ko naman sinasadyang malaman ang lahat. Aksidente lang. Si Third? Hindi ko alam kung paano niya nalaman. Basta ako, aksidente lang.

"Guys!", sigaw nila Hyrie at Messyne

Takbo sila ng takbo hanggang sa makarating sila dito.

"Anyare?", tanong ni Cheo

"S-si..",

Hindi matuloy ni Hyrie ang sinasabi niya dahil hinahabol niya ang paghinga niya.

Nagkatinginan kami ni Third at mukhang alam na namin 'to.

"S-si An.. A-andy", nauutal utal na sabi hi Messyne

"Bakit!? Anong nangyari kay Andy!?", sigaw ni Kyara

Binigyan nila ng tubig yung dalawa pero umiling lang sila.

Chasing You (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon