Chapter 52

1.5K 25 3
                                    

ANDREA'S P.O.V.

Naglalakad ako papunta sa last subject ko nung biglang may humigit sakin. Nagulat pa ko. Pagtingin ko, si Grae lang pala.

"You scared the hell out of me", inis kong sabi

Napatawa siya ng mahina. Kingina, nagulat at natakot ako don tapos tatawanan niya lang ako? Huh! Unbelievable!

"Kasi kung sasabihin ko sayong mag-uusap tayo, hindi mo rin ako pagbibigyan. Ayaw mong makuha sa pakiusapan, kukunin kita sa mabilisan", sagot niya

Napaiwas na lang ako ng tingin. Ayoko siyang tignan sa mata. Sa tuwing titignan ko kasi siya sa mata, maalala ko lang kung gaano ko siya kamahal at kung gaano ko siya kaayaw mawala.

Kung okay na sila ng pinsan ko, ayoko na rin namang makigulo. Kung masaya na sila, edi magiging masaya na lang din ako para sa kanila. Hindi naman ako yung tipo ng tao na manggugulo sa relasyon ng may relasyon.

"May klase pa ko", seryosong sabi ko

"Mas importante pa ba 'yan kaysa ang makausap ako?", sagot niya

"Gaano ba ka-importante ang sasabihin mo at 'di ka makapaghintay? Ano? Sabihin mo na. Dami pang satsat eh. Psh", inis na sabi ko

Importante rin naman kasi ang pag-aaral ko. Hindi porket importante siya sakin, ibig sabihin, pababayaan ko na lang ang pag-aaral ko. Hell no.

"I'm choosing you", seryosong sabi niya

He's... he's what?

"You heard me? I said I'm choosing you", sabi niya ulit

Napatingin ako sa kanya. Hindi ko alam kung ano bang sasabihin ko. Kung ano ang magiging reaksyon ko.

Dapat ba kong matuwa dahil ako ang pinili niya? O dapat ba kong masaktan, dahil nakasakit ako ng iba?

"I'm choosing you kasi ikaw yung mahal ko. Mahal ko siya, pero ikaw—ikaw ang mas mahal ko. Ikaw ang hindi ko kayang mawala. Sayo ako mas masaya. Hindi ko kayang mabuhay ng wala ka", seryosong sabi niya

Tapos hinigit niya ko at niyakap ng mahigpit. Napapikit ako at napaiyak.

Pakiramdam ko, tumigil ang tibok ng puso ko. Pakiramdam ko, ako na yung pinakamasayang tao ngayon. Wala ng mas sasaya pa sakin ngayon. Ako yung pinili niya. Ako yung mahal niya.

"Mahal mo pa naman ako diba? Hindi ka pa naan sumuko sakin diba? Ako pa rin naman, diba?", bulong niya sakin

"Kailan ba ko nagmahal ng iba? Kailan ba ko sumuko sayo? Kailan ba nagkaroon ng siya bukod sa ikaw? Kahit ano namang gawin ko, sayo at sayo pa din naman ang bagsak ko", sagot ko

Naramdaman kong mas humigpit pa ang pagkakayakap niya sakin.

"I love you. I love you so much. I love you more than anything and anyone", bulong niya

Chasing You (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon