Chapter 1: A Letter

525 4 0
                                    

"Love, we're home!"

Napatigil ako sa pagtugtog ng gitara at napatingin ako sa pintuan ng condo unit namin, saktong bumukas ito at pumasok sa loob ang apat na kabanda ko. Nandito na pala sina Thine, Miles, Aims, at ang sweetheart ko, si Joy.

"Kuya Ren, patulong naman," sabi ni Thine na hawak-hawak ang dalawang malalaking plastic bags. Binaba ko yung gitara ko sa stand niya para tulungan sila, galing kasi sila sa grocery.

"Hi, love. Kumusta naman lakad niyo? Mukhang napagod kayo ngayon, ah?" Lumapit ako sa girlfriend ko sabay halik sa noo niya. Ganun ang lagi kong ginagawa sa kanya tuwing umuuwi siya ng condo galing sa isang lakad. Tamis ba? Wala eh, mahal ko to eh.

"Hindi naman, marami lang talaga kaming nabili pero it was alright," sagot niya naman. "At kanina lang ako pagod, nawala kasi ito nung nakita kita eh."

I might sound gay, pero kinilig ako dun. But could you blame me?

I smiled at her before giving her a quick peck on the lips. "Love, akin na yang buhat mo. Ako na lang ang magdadala nun sa counter."

"Sige."

Inabot sakin ni Joy yung dalawang malalaking plastic bag na hawak niya at inilapag ko ang mga ito sa ibabaw ng counter namin.

"O ano, kayong tatlo, kumusta shopping trip?" tanong ko naman sa mga kasama namin.

Nilapag ni Miles yung hawak niyang plastic bag sa counter kasama ang iba pang plastic bags. "As usual, Kuya, dinumog kaming apat ng mga fans doon. Medyo hassle nga nung lumabas kami ng supermarket eh. Buti na lang nandun yung mga security guards." At umupo siya sa sofa sa tabi ko.

Umupo rin ako. "Haha. Ganun ba? Naku, kawawa naman kayo."

"De, okay lang naman. Sanay naman na tayo diyan. Di ba, love?" tanong ni Joy.

Ngumiti ako sa kanya. "Oo naman, Joy ko. Halos one year na tayong ganun ang set-up eh kaya imposibleng di ka sanay sa ingay."

Oo, isang taon na. It's been almost a year since Double J and the Music Cuties started. At aminin ko, hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwalang aabot kami ng isang taon sa music industry bilang isang sikat na banda. Parang kailan lang nga eh. Parang kahapon, isang simpleng jamming lang siya. Then suddenly, na-discover kami at naging sikat.

Sa loob ng isang taon ng career namin, marami na ang mga albums at music videos na nagawa namin. Actually one time, nagkaroon kami ng nationwide tour so napadpad kami sa Baguio, Tuguegarao, Bohol, Cebu, Davao, at iba pang mga lugar sa Pilipinas. Enjoy nga kami nun eh, marami kaming mga adventures sa bawat lugar na napuntahan namin.

Napangiti na lang ako nang humilig ang sweetheart ko sa balikat ko. Bilang ganti, inakbayan ko siya at hinalikan ko ang tuktok ng ulo niya. Call me corny and cheesy, pero kahit isang taon ko nang girlfriend si Joy, I still can't help but fall for her over and over again.

*Ding-dong!*

"I'll get it!" sabi ni Joy sabay tayo. Pagbalik niya samin, may hawak siyang papel.

"Guys, may letter tayo galing sa Fresh Beat Records," sabi niya.

"Anong sabi?" tanong ni Miles.

Biglang ngumiti si Joy ng malapad, bagay na nakakapagtaka saming apat. Ano bang meron dun sa letter at ganun na lang ang naging reaksyon niya? Di niya kasi pinabasa samin yung laman nun eh.

"Love, anong sabi sa letter?" tanong ko. Di pa rin siya sumasagot at nakangiti pa rin siya ng malapad. Is this letter for her only?

"OH MY GOD!"

Double the AdventureWhere stories live. Discover now