Chapter 2: Bon Voyage

327 2 1
                                    

Pagdilat ng mga mata ko kinabukasan, agad na lumingon ako sa tabi ko kung saan nakita kong tulog pa rin si Joy. Aminin ko, ang sarap lang sa feeling na ang unang makikita mo paggising sa umaga ay ang mukha ng taong mahal mo.



Napangiti ako at dahan-dahan kong hinaplos ang malambot niyang pisngi. Ang cute niya talaga pag natutulog, parang isang anghel. At kahit kelan talaga, sleepyhead tong girlfriend ko, ang tagal at ang hirap gisingin. But despite that, mahal na mahal ko pa rin siya.



"Psst. Wakie-wakie," bulong ko sa kanya. Di pa rin siya dumidilat. Haha heavy sleeper talaga tong girlfriend ko. "Joy ko, gising na."



Pinisil ko ng mahina yung ilong niya pero di pa rin siya dumidilat. Napailing na lang ako sabay ngiti. Ganun ba kasarap ang tulog ng babaeng to? Ano kaya ang magpapagising sa sleeping beauty na to? Aha. Alam ko na.



Unti-unti kong nilapit yung mukha ko sa mukha niya at hinalikan ko siya sa labi niya. Sa wakas, dumilat na rin siya. Napangiti ako. It works every time. Iba talaga ang karisma ni Jhun Ren Sonoh eh. Ahahaha.



"Good morning," sabi ko sabay ngiti sa kanya.

"Good morning din," Ngumiti rin siya. Maya-maya, tumingin-tingin si Joy sa paligid. "Ren ko, what's the day today?"

Tumingin ako sa maliit na kalendaryo na nakapatong sa bedside table ko. "It's Sunday."

"Sunday? Today's the day." Nagulat na lang ako nang biglang napaupo si Joy. "Oh my God! Today's the day!"

Natawa ako. Just as I thought, excited siya sa flight namin papunta sa US mamayang gabi.

I pinched her cheek. "Haha. Masyado kang excited, love. 8 am palang oh. Mamayang 11 ng gabi pa yung flight natin eh," sabi ko.

"Ay, ganun ba? Hehe. Sorry!" Tapos nag-peace sign siya. Ang cute niya talaga.

"Tara na. Kain na tayo at punta mamaya tayo sa mall. Tayo na lang ata ang nasa kwarto eh."



Lumabas na kami ng kwarto at dumiretso kami sa dining room para kumain ng almusal. No, scratch that. Bago pa man ako makabangon sa kama ay agad na tumayo si Joy at tumakbo palabas ng kwarto. Excited talaga kahit kelan. Haha.



----------



Later that day, kasama si Manager Krishelle, napagdesisyunan naming pumunta sa MOA para bumili ng mga kelangan naming dalhin sa Japan since one month ang stay namin doon. Bumili kami ng mga pagkain tapos mga bagong damit na pampasyal doon.



Umuwi na rin kami pagkatapos nun. Well actually, nagpasyal-pasyal muna kami sa mall since mahaba pa ang oras para magprepare. That night, nagsimula na kaming mag-impake.

Habang inaayos ko yung mga damit na dadalhin ko, bigla na lang akong niyakap ni Joy mula sa likod.

"Bakit, love?" tanong ko.

"Wala lang. Gusto lang kitang yakapin eh."

Hindi ko napigilang ngumiti nang wagas. Ang sweetheart ko, naglalambing.

Umikot ako paharap sa kanya para mayakap ko rin siya. "Ganun?"

Tumango lang siya at ngumiti sa akin bago niya isinandal yung ulo niya sa dibdib ko.

Sa sandaling yun, nakaramdam ako ng kirot sa puso ko. Pero yung in a good way. Oh, I love her so much.

"Naririnig mo yun, Joy ko?" tanong ko sa kanya.

"Ano yun, Ren ko?" tanong ng girlfriend ko pabalik sakin.

"Yang naririnig mo ngayon, yan yung puso ko, sinisigaw na naman niya ang pangalan mo." Then I smiled sweetly.

Double the AdventureWhere stories live. Discover now