Chapter 27.1: After The Concert - Part 1

189 3 0
                                    

Chapter 27.1: After the Concert - Part 1

-Ren's POV-

Sa wakas, natapos na rin ang concert! Whew, napagod ako ngayon ha, pero it was all worth it. And just like always, maraming nagpapicture samin, lalo na sa akin pagkatapos ng concert. Well, wala na akong magagawa dun. Ganun na talaga. Gwapo kasi eh. Hahaha.

Nakaupo ako ngayon sa may backstage habang nagliligpit ng mga gamit ang staff ng venue namin. Katatapos lang naming makihalubilo sa mga fans namin, at aminin ko, nakakapagod talaga yun. Ikaw ba naman, mangangawit yung panga mo sa kakangiti at sasakit ang kamay mo sa kakasign ng mga autographs? Pero wag ka, worth it ang lahat. At least napapasaya namin ang mga fans namin.

By the way, kumusta na kaya yung girlfriend ko? Pagkatapos kasi naming makihalubilo sa mga fans namin ay nagsama-sama yung apat na Music Cuties, at simula nun ay hindi ko na siya nakita. Hm, baka busy pa rin hanggang ngayon.

"Dada Jhun Ren!"

Napalingon ako. Andito pala si Hana, kasama niya si Joy.

"Hi, Hana-chan!" sabi ko. Ngumiti ako sa kanya. Bumitaw si Hana sa kamay ni Joy tapos tumakbo papunta sakin.

"Dada Jhun Ren! Kiss! Kiss!"

Umupo siya sa lap ko tapos kiniss ako sa cheek. Aminin ko, namiss ko na yung napakacute at napakasweet kong alaga.

"Dada Jhun Ren, how are you?" masiglang tanong ng bata sakin.

Niyakap ko siya habang nakaupo siya sa lap ko. "I'm fine, Hana-chan. How about you?"

"I'm fine too!" Ngumiti siya. Just then, napansin ko yung suot ni Hana. Naka-kimono siya na pink. Lalong lumapad ang ngiti ko sa kanya. Ang cute talaga ng alaga ko oh.

"Hana-chan, why are you in a kimono?" tanong ko.

"Dada Jhun Ren, I joined the Miss Kindergarten in school today!"

"Oh really? Did you win?"

"I didn't." Nagpout siya tapos yumuko.

"Aw, that's too bad."

"But," Tumingin siya sakin. "Dada Jun said I'll always be pretty to him." Ngumiti siya.

"Me too, Hana-chan. Anata wa hontoni kawaii ne." Ngumiti rin ako sa kanya. [You're really cute.]

Double the AdventureWhere stories live. Discover now