Chapter 30: Baby Sibling

189 3 0
                                    

Chapter 30: Baby Sibling

3 hours later . . .

~~

And I'm standing alone in a crowded room

And we're not speaking

And I'm dying to kn---

~~

"Hello?" sagot ni Joy sa cellphone niya.

 

"..."

Her eyes widened in surprise. "Talaga?!"

 

"..."

"Kyaaaaaaa! Ha? Ah, sige sige sige! We'll go there as soon as possible. Okay, love you! Bye!"

Nilagay niya yung phone niya sa bulsa niya tapos tumalon-talon na siya sa tuwa habang tumitili.

"Oh my gosh. Di ako makapaniwala! Kyaaaaaaa!"

Natawa na lang ako sa kanya, hanggang tenga na kasi yung ngiti niya.

"Kuya Ren!" sigaw niya sakin.

"Hm? Bakit?"

"Ate na ako!"

Nanlaki ang mga mata ko. What? Nanganak na yung Mommy niya? Ang bilis nga naman ng oras oh.

"Ha? Talaga? May kapatid ka na?" nakangiting tanong ko sa kanya.

"Yeah!" tili ni Joy. "Tumawag sakin si Dad kanina. Nasa ospital sila ngayon. Actually di pa siya lumalabas, pero excited na ako! Uwaaaaaa!"

Ngumiti ako sa kanya. "You're going to make a great older sister, Joy."

Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya at nagkamot siya ng ulo. "I'm not sure. Di pa ako ready eh."

Halatang kinakabahan siya, only child kasi si Joy. Well, that is, until now na may bagong kapatid na siya.

"Talaga Joy? Nanganak na yung Mommy mo?" biglang singit ni Manager Krishelle.

"Di pa naman daw, pero Ate na ako!"- Joy

"Wow naman! Ate na siya!"- Aims

Double the AdventureWhere stories live. Discover now