Chapter 19: Ikaw Lamang

192 3 1
                                    

Chapter 19: Ikaw Lamang (ft. Ikaw Lamang by Silent Sanctuary)

-Joy's POV-

Hindi ko na alam kung anong nangyari pagkatapos tumalon si Kuya Ren sa gusali bukod sa nakarinig ako ng boses. Bigla na lang kasing dumilim ang paligid ko.

Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko. Nakita kong nakahiga ako sa kama ko. Pano nangyari yun? Hindi ba nasa itaas ako ng gusali kanina? Ah, panaginip lang pala.

Biglang nanlaki ang mga mata ko. Panaginip lang yun? So, kung panaginip lang yun, ibig sabihing hindi totoong tumalon si Kuya Ren mula sa gusali? Kuya Ren! Kuya Ren? Where are you?

Pagbangon ko, sumakit yung ulo kaya agad akong napahiga ulit. Epekto ito siguro ng lagnat sa akin. Teka. Is that Kuya Ren? Nakasandal yung ulo niya sa kama ko habang nakapikit, tulog pa ata. 

Napabuntung-hininga ako. Mahal pa rin niya ako.

"Unhhhh."

Nakarinig ako ng mahinang ungol. Ilang sandali pa'y nakita kong unti-unting dumilat ang mga mata niya.

"K-Kuya Ren?" tanong ko. Ngumiti lang siya sakin bilang sagot. That smile. Aminin ko, namiss ko yun.

Bumangon siya tapos hinawakan yung isang cheek ko. "Kumusta ka na, Joy ko?" malambing na tanong niya. "Sigaw ka nang sigaw kagabi eh."

Di ko napigilan ang sarili ko at niyakap ko siya ng mahigpit. Aminin ko, sobrang namiss ko siya. I missed him terribly. And to think na akala ko wala na talaga siya. Anjan lang pala sa tabi ko. Ahhh, it really feels good to be in his arms again.

-Ren's POV-

When I woke up the next day, nakita kong gising na pala si Joy. Buti na lang at magaling na siya. I stayed up all night para lang bantayan siya. Almost every hour binabasa ko yung towel sa noo niya. It was about 12 ng hatinggabi nung tuluyan nang nawala yung lagnat niya. Etong sina Thine, Miles at Aims, pinatulog ko sila sa kwarto ko. Sabi ko ako na lang ang magbabantay sa girlfriend ko.

Oo nga pala, nagbati na rin kami ng tatlong Music Cuties. Pagkatapos ng pag-uusap naming dalawa nung araw na nagsigawan kami sa harapan niya, pinaliwanag ni Manager Krishelle sa kanilang tatlo kung ano yung talagang nangyari. Nung hapon na yun ay pinuntahan nila ako sa kwarto at nag-sorry sila sakin. Masaya naman ako at bati na kami, si Joy na lang talaga ang kulang.

Double the AdventureOnde histórias criam vida. Descubra agora