Chapter 28.2: Ayaka and Jun's Love Story - Part 2

170 2 0
                                    

Chapter 28.2: Ayaka and Jun's Love Story - Part 2

-Joy's POV-

The next day, gaya ng sinabi ni Manager Krishelle samin, sinamahan namin si Kuya Ren dun sa photoshoot niya para sa magazine. The reason kung bakit hindi kasali ang mga Music Cuties dun sa photoshoot na yun is because magazine for guitars yun at nagkataon na nasa Japan ngayon si Jhun Ren Sonoh na pinaksikat lang naman na lead guitairst sa panahon ngayon.

Simple lang naman yung suot ni Kuya Ren para sa photoshoot na yun, red checkered longsleeves lang tapos jeans, pero grabe, kahit simple lang yung suot niya ay gwapo pa rin. And to prove it to you, kinilig yung mga babaeng staff ng photoshoot nung dumating kami dun.

"Haha. Nakasimangot ka na naman jan, Joy ko," sabi ni Kuya Ren habang naghahanda yung mga staff. Nakaupo kami ngayon sa isang bench habang hinihintay namin na tawagin ang boyfriend ko. Yung tatlong Music Cuties, nagseselfie sa iPad mini ni Manager. Hay naku, kahit kelan ang vain talaga ng tatlong to. Haha.

I rolled my eyes at him. "Pano ako hindi sisimangot eh halos tunawin ka nila sa kakatitig sa'yo?"

"Okay lang yan." Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko. "Kahit titigan pa nila ako ng titigan, ikaw naman ang tinitignan ko. Kaya ano ba, wag ka nang magselos. Sa'yo at sa'yo lang titingin ang dalawang ito." Tinuro niya ang dalawang mata niya at ngumiti sa akin.

Tumingin ako sa kanya. "Talaga?"

Tumango si Kuya Ren. "Oo, promise. Halika nga dito."

And with that, he pulled me closer to kiss my forehead.

"Ren-kun, it's time."

"Pano na yan Joy, ipapakita ko na sa kanila ang killer smile ko." Ngumiti siya sakin sabay pogi sign. Yabang talaga nito. Haha.

Napailing na lang ako sabay ngiti sa kanya. "Sige, ikaw na ang pogi." I chuckled.

Lumapit siya sa akin at hinawakan niya yung baba ko. "Di bale, ikaw naman ang mahal ng poging to. I love you." He smiled then gave me a small peck on the lips.

"Hey, chansing ka na naman jan ah! Layas na. Shoo! Shoo!"

"Hahaha. Teka lang, kulang pa ng isa eh." He gave me another peck. Uwaaaaa.

"Aish, chansing!" saway ko sa kanya. "Go na, magalit pa mamaya sila sa'yo eh. Go na! Shoo! Shoo! Go na!"

"Haha. Sige." Akmang aalis na sana siya nang bumalik na naman siya sakin at hinawakan ang dalawang pisngi ko. Nyaaaaaa. Ano na naman ang trip ng lalaking to?!

"Last na to, Joy. Promise."

Double the AdventureWhere stories live. Discover now