Chapter 27.2: After The Concert - Part 2

168 3 0
                                    

Chapter 27.2: After The Concert - Part 2

Sa wakas, natapos na rin ang ferris wheel ride namin. Enjoy naman siya kahit 16 minutes yung ride, ang ganda talaga ng view eh. Etong boyfriend ko naman, he had his arm around me the whole time. Well actually, most of the time. May mga times kasi na nagpipicturan kami sa phones namin. Siyempre naman, minsan-minsan lang tong mga ganitong trip kaya dapat sulitin ang bawat sandali. Haha.

Oo nga pala, sabi ni Kuya Jun na yung ferris wheel na sinakyan namin kanina ay parte ng isang lugar sa Odaiba na tinatawag na Palette Town. Ang Odaiba, sabi niya, ay isang popular na shopping and entertainment district sa isang man-made island sa Tokyo Bay, at yung Odaiba Rainbow Bridge na nakita namin kanina, ito yung nagcoconnect sa Odaiba to the rest of Tokyo. Ang cool, noh?

Marami pa nga daw sana ang papasyalan namin dito sa Odaiba eh, kaso karamihan sa kanila ay closed na dahil gabi na rin nung natapos ang concert namin. Bukas na lang daw kami babalik dito, gusto daw kasi nilang i-enjoy namin ang mga natitirang araw namin dito sa Japan kaya pupuntahan namin ang lahat ng pwedeng mapuntahan dito sa Odaiba. Hayy, ayoko pang umalis eh.

"So Kuya Jun, where do we go next?" tanong ni Miles pagkatapos naming sumakay ng ferris wheel.

"Wanna go to Tokyo Tower?" sagot naman ni Kuya Jun.

"Sure!" sabi naman namin. Basta papasyal kami, go lang ng go.

"Haha. Aren't you guys tired yet?" tanong naman ni Ayaka. "Well come on. Let's go!"

Sumakay ulit kami ng tren, kasama namin yung mga Japanese friends namin siyempre. Sa loob ng tren, katabi ko si Kuya Ren sa kanan na katabi si Kuya Jun na katabi si Ayaka. Yung tatlong Music Cuties naman na katabi ko sa kaliwa, abala sa pagpipicture sa mga bata na nakatayo sa harapan namin sa mga phones nila. Si Manager Krishelle naman, pinapanood lang sila, halatang natutuwa rin siya sa kanila. Ang cute lang eh, ang kukulit ng mga bata.

Nakadungaw lang ako sa bintana, ganun din si Kuya Ren. Sina Kuya Jun naman at Ayaka, abala sila sa pagkwkwentuhan. Walang magawa dito, lowbat na kasi yung iPod ko kaya di ako makasoundtrip. Tapos di ko pa dala yung PSP ko kaya hindi rin ako makakalaro ng mga games dun.

Lumingon ako kela Ayaka at Kuya Jun. Oo, nagkwkwentuhan lang sila, pero mahahalata mong masaya sila. May mga sandali rin kasing nagpipisilan sila ng mukha, meron pa ngang kilitian at konting halikan. So ganun pala sila kasweet sa isa't-isa, ang cute tignan.

Habang pinagmamasdan silang dalawa ay naramdaman kong pinatong ni Kuya Ren yung kamay niya sa isa kong kamay. And as a response, humiga ako sa shoulder niya. Oo nga pala, how can I forget our own sweetness? Sobra pa nga yung sweetness namin kung tutuusin eh.

~~

Hindi kita iiwan

Double the AdventureWhere stories live. Discover now