Chapter 3: The Adventure Begins

278 3 0
                                    

"Joy."

"Joy ko."

"Love, gising na."

"Love, nandito na tayo."

Napakunot ang noo ko nang marinig ko ang boses ni Ren. Pusang gala, kita mong ang sarap ng tulog ko dito eh. Bat biglang ang ingay niya? Pambihirang patis naman o.

Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko at inalis ang ulo ko mula sa pagkahiga sa balikat ni Ren. Ang unang nakita ko ay ang nakangiting mukha ng boyfriend ko. Ngiti, na as in yung ngiting malapad. Luh, saya yarn?

"Ren naman eh, ang sarap na nga ng tulog ko eh," pagmamaktol ko habang kinukusot ang mata ko. "Ano ba yun?"

"Love, tingin ka sa labas."

Lumingon naman ako sa bintana. Pababa na pala yung eroplano.

OMG.

MAGLA-LAND NA KAMI!

Tuluyan nang nagising ang dugo ko nang makita kong dahan-dahan nang bumababa yung eroplano. Ibig sabihing, nasa San Francisco na kami! Oh my gulay, nakaka-excite tuloy!

Nang lumabas kami sa eroplano namin, sinalubong kagad kami ng mga fans namin. Wow naman, may fans na rin ang Double J and the Music Cuties dito sa US ah. Naks. Iba na talaga pag sikat ka, lalo na pag nasa ibang bansa ka at ibang lahi na ang nagkakagusto sa'yo.

Habang hawak-hawak ko ang maleta ko sa isang kamay at ang kamay ni Ren sa isa, naglakad kaming anim papunta sa arrival area ng San Francisco International Airport. Hindi ko napigilang mamangha sa nakikita ko. Ang ganda ng airport nila, in fairness. Airport palang yun, ha. How much more pag nasa labas na kami? Exciting!

"Oh my God, ang ganda dito!" nakangiting saad ni Thine. "Ang ganda ng airport nila!"

"Oo nga," sabi naman ni Miles. "Weeeee! Nakakaexcite!"

"Haha. I know right!' sabi ni Ate Aims.

"At airport palang yun ha," sabi ni Manager Krishelle. "How much more pag nasa labas na tayo?" Ngumiti siya samin.

"Waaaa!" tili naming apat sa tuwa. Hahaha. Sorry naman daw. Hindi namin mapigilan, excited kami eh.

At in fairness, ang warm ng pagsalubong samin ng mga fans namin. Ang dami kayang nagpapicture at nagpa-autograph samin. Buti na lang at may mga security guards para tulungan kami sa paglabas. Paglabas namin sa airport, may nakasalubong kaming isang lalaking naka-amerikana. Mukhang importante siya base sa itsura niya.

"Good evening, Double J and the Music Cuties and their Manager. Welcome to San Francisco. I'm D I'm a representative of Fresh Beat Records here in the United States, and I'm here to be your tour guide."

"Good evening, Mr. D," sabi naman ni Manager Krishelle. "In behalf of Double J and the Music Cuties, let me tell you that it is an honor to be here."

"Uy, nice one, Manager!" mahinang bulong ko sa kanya sabay ngiti.

"Naks, spokesperson," sabi naman ni Ren at ngumiti rin ito kay Manager.

"Haha. Wag nga kayo," mahinang saway niya samin.

Ngumiti naman si Sir Shunji samin. "Mr. Garcia called me yesterday and said that you would be coming here. I will be showing you to your hotel. Nice to meet you."

Sumakay kami sa loob limo ni Sir Shunji. Along the way, hindi ko mapigilang mapawow sa mga nakikita ko. Maganda at maliwanag pala ang Tokyo pag gabi. Tapos marami pang matataas na gusali. Feel na feel mo talaga na big city ang Tokyo. Ang ganda!

Double the AdventureWhere stories live. Discover now