Chapter 13: Back To Tokyo

179 3 0
                                    

Chapter 13: Back To Tokyo (ft. Running With the Rainbow Unicorn by The Mighty B! (acoustic version))

"Joy . . . "

"Joy . . . "

"Joy ko . . . "

Aish. Bakit ang ingay? Masyado pang maaga para mag-ingay. Kita mong natutulog pa yung tao eh.

Dumilat ako. Ang unang bumungad sakin ay ang mukha ng boyfriend ko.

I yawned first. "Ren ko," Inunat ko ang mga kamay ko. "What do you want?"

"Tara, Joy. Strolling muna tayo sa beach."

"Wag na. I don't feel like walking and I'm sleepy." Tinakpan ko yung sarili ko gamit ang kumot ko.

"Haha. Yan kasi. Just say you danced too much last night." Tinanggal niya yung kumot ko. Aish. Inaantok pa ako eh. Papansin talaga tong boyfriend ko.

"Hm? Hey, I did not."

"Well, anong tawag sa sayaw ng sayaw kahit nakaupo na ang lahat?" Nilapit niya yung mukha niya sa may bandang tenga ko. "Yung bang tipong pinilit ako na makisayaw kahit pagod na?" Lalo niyang nilapit ang mukha niya. "Hm?" He kissed me on the cheek.

"Mmmm," Umupo ako. "It was so much fun, though. Kung pwede sana mamayang gabi ulit."

"Oo nga eh. Pero sabi ni Manager, uwi na tayo mamaya. Babalik na tayo sa Tokyo."

"Hehe. Yeah."

Bumangon ako mula sa pinaghigaan namin at nag-stretch ulit ako ng mga kamay nang yumakap siya sakin mula sa likod.

"Tara na, Joy ko. Punta na tayo sa cottage. Hinihintay na nila tayo doon." Then he kissed my cheek again. Eto na naman po tayo. Nanlalambing na naman tong boyfriend ko sakin. Aish. Nakailang halik na ba tong lalaking to sa pisngi ko?

Lumabas kami mula sa tent namin (Oo nagtayo kami ng mga tent sa may dagat) at naglakad papunta sa isang cottage sa kabilang side. Nadatnan naming nagtatawanan sina Thine, Miles at Ate Aims. Mukhang naunang nagising na yung tatlong Music Cuties kesa sa amin ah.

"Ayan na ang lovebirds ng Double J and the Music Cuties!" sabi ni Thine once we got there.

"Haha. Ang unique ng pagbati mo samin bez ah," sabi ko. Umupo ako sa tabi ni bez.

Double the AdventureМесто, где живут истории. Откройте их для себя