Chapter 7: Comfort and Apologies

177 2 0
                                    

Chapter 7: Comfort and Apologies

 

 

Nang huminahon na ako, I did my best to get my mind off this unpleasant incident. Sabi ni Kuya Ren na umuwi na lang kami. Actually, kanina ko pa gustong umuwi pero dahil wala pang kinakanta sina Miles, Ate Aims at Manager Krishelle ay nagtagal pa kami doon. At dahil sa mga nangyari kanina, mas lalong na-atat na akong umuwi. Sabi ni Manager na mauna na lang kami ni Kuya Ren. Pumayag naman kami kaya lumapit kami kay Kuya Jun para magpaalam.

 

 

"Why? Is this about Ayaka-chan? I'm so sorry for what happened awhile ago. Don't worry. I already scolded her a while ago," sabi niya.

 

 

Just then, Ayaka came over to me and apologized. Sabi ko naman okay lang kaya bati na rin kami. Nagpaalam na kami at nagsimula na kaming maglakad pabalik sa hotel namin. Honestly, I don't feel like doing much of anything. Pero spending a little alone time with my boyfriend might lift my spirits. Anything to get off this unpleasant incident for a little while. Anything to forget how humiliated I felt at that time, and how mean Ayaka was.

 

 

"Cheer up, Joy," sabi ni Kuya Ren sakin. Nasa terrace kami ngayon ng hotel room namin. "Pinagkamalan lang ako ni Ayaka na ako si Jun. Normal lang yan kasi magkamukha kaming dalawa."

 

"Pero sinampal niya ako." Nagpout ako. "Masakit yun eh. Kung ikaw kaya ang sampalin, hindi ka ba masasaktan?"

 

Tumawa siya ng mahina tapos hinawakan niya yung pisngi kong sinampal ni Ayaka. "Masakit pa ba?" tanong niya.

 

"Mejo masakit pa rin. Pero maybe if you kiss it, it will feel better," sabi ko. Ngumiti ako ng mahina sa kanya.

 

 

Ngumiti rin sakin si Kuya Ren sabay halik sa pisngi ko. In fairness, parang nabawasan yung sakit ng pisngi ko dahil dun. Ano kaya ang meron kay Kuya Ren at nagagawa niyang bawasan ang sakit na nararamdaman ko?

 

 

"Better?" tanong niya.

 

"Oo. But, you'd better kiss the other cheek para di siya magselos." Wala lang, nasa mood na naman ako eh. Siya lang talaga ang kayang magpagaan ng mood ko ng ganun tuwing malungkot ako.

 

Tumawa siya ng mahina at hinalikan na rin niya yung kabilang pisngi ko. "Oh ano? Okay na?"

 

"Oo." Ngumiti ako sa kanya.

 

"Hm, parang may nakalimutan ako."

 

"Ha? Ano yun?"

 

Dahan-dahan niyang nilapit ang mukha niya sa mukha ko. "It's this," wika niya sabay halik sa labi ko. At dahil dun, parang naalis kagad ang lahat ng sama ng loob ko. As in, lahat-lahat ng nararamdaman ko.

 

"Joy," bulong niya.

 

"Hm?"

Double the AdventureWhere stories live. Discover now