Chapter 12: Moments

194 2 0
                                    

Chapter 12: Moments (ft. The City is Ours by Big Time Rush)



"Hehe. Well, enough slow stuff. Let's put on something that rocks. Alright guys?" suhestiyon ko. Siyempre naman, dapat magsaya kami kasi birthday ngayon ng isang bagong kaibigan namin.

"YEAH!"

"I"ll choose the music!" Pumunta ako sa may CD player namin tapos pumili ng tugtugin. Buti na lang at marami kaming dalang mga CD na pwedeng pagpilian at buti na lang de-baterya siya, wala naman kasing saksakan dito.



Maya-maya, nagsimula na ang patugtog, hudyat ng pagsisimula ng sayawan. Oh yeah. That's what I'm talking about.



~~

The city is ours

The city is ours

~~



"Haha! C'mon guys!" sabi ko habang umiindak. "C'mon! Don't be shy!"

"Oo nga," Tumayo na rin si Thine at sumayaw kasama ko. "Sige na guys, sayaw na!"



Isa-isang tumayo ang mga kasama namin, at ilang sandali pa'y sumasayaw na ang lahat. Yes, even Manager Krishelle. It was a blast! Lahat ay may kanya-kanyang dance moves, wala naman kasing pakialamanan. Pati nga yung mga nahihiyang sumayaw di nagpahuli.



~~

Rollin' past graffiti walls, billboards lighting up the block

Everyone one of us on a mission (Oh yeah)

Got a whole crew by my side, cars beep beep when they pass us by

Get ready to get down to business (Mmm-hmm)

~~



Sa kalagitnaan ng pagsasayaw namin, napansin kong palayo ng palayo sa grupo namin sina Ayaka at Jun. Ewan ko lang kung ano ang pag-uusapan nila, pero it looks like they're having a little alone time.

Wow, sana all may alone time.



~~

We pull up, open the door

All the girls scream there they are

It's packed from wall to wall and everybody is calling

Here we come, it's almost time

Feel the rush, now hit the lights

We gonna get it all started

~~



Pasimple akong lumapit sa dalawa para pakinggan ang mga sasabihin nila sa isa't-isa pero siyempre hindi ako nagpahalata. Hahaha. Marites yarn? Mukhang nahawa na ako sa mga kabanda ko eh.

"Did you have fun today, sweetie?" narinig kong tanong ni Jun.

"Yeah. I sure did," sagot naman ni Aya.

Hindi ko napigilang ngumiti nang malapad nang makita ko ang paghalik ni Jun sa pisngi ni Ayaka. ANG SWEET!

"Happy Birthday, babe. I'm glad you're happy," sabi niya. Oh my gulay, sana all.

Binalik din ni Ayaka yung kiss sa pisngi ni Jun. Shet, lalanggamin na ata dito sa sobrang tamis. SANA ALL!

"Thank you, baby. I'm happy. Really, really happy," sabi niya.

Double the AdventureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon