Chapter 23: Duets

189 3 0
                                    

Chapter 23: Duets (ft. Bata by BBS featuring Kean Cipriano and Madeline of Paraluman)

Break time namin ngayon. Pagkaalis namin ng stage, merong isang girl group ang pumalit para sa intermission nila. You know, to entertain the fans habang nagpapahinga kami at nagreretouch para sa next performance namin. Sa pagkakarinig ko ay 'Morning Musume' ata ang pangalan ng girl group na yun, sikat rin daw yun sa buong Japan. In fairness, cute rin yung mga members nila at ang gagaling pa nilang sumayaw at kumanta.

"Tapos na ang break. Tara na," sabi ni Kuya Ren sakin nang tinawag na kami ng isang staff na bumalik na ng stage.

"Sige." Nagsimula na kaming maglakad nang biglang may naalala ako. "Ai wait lang, may nakalimutan lang ako."

"Sige, hintayin kita."

"Wag na," I waved my hand. "Sige na, mauna ka na. Sunod na lang ako."

Hindi ko na inantay ang sagot niya, dali-dali akong tumakbo pabalik ng dressing room para kunin yung panda bracelet ko. Remember, yung binigay sakin ni Kuya Ren nung Christmas na nanligaw na siya sa akin? Lagi ko kasi itong suot-suot tuwing concert namin, lucky charm ko to. Hehe.

Paglabas ko ng dressing room, what the?! Bakit nakapalibot yung mga members ng Morning Musume sa boyfriend ko?! At etong si Kuya Ren naman, aba, tumatawa pa! What the heck?! Nakakainis lang ha, hindi niya ba alam na magpeperform na kami?!

"Hahaha. Thank you, but---" Napatigil si Kuya Ren sa pakikipag-usap at pakikipagtawanan sa isang girl nang makita niya ako. "Joy!"

Inirapan ko na lang siya at tumalikod ako at tumakbo palayo sa kanya. Nakakainis talaga siya. OA ba ako? Eh sorry naman daw kung ganito ang nararamdaman ko ngayon! Pusang gala!

"Love? Love, sandali lang!" narinig kong tawag ni Ren sakin. Bahala siya diyan!

And the next thing I knew, naramdaman ko na lang na may yumakap sa akin mula sa likod.

"Love," he whispered. "Ba---"

"Ano ba?" Agad akong pumiglas mula sa pagkayakap niya. "Lubayan mo nga ako! Nakakainis ka!"

Nakita ko ang pagkabigla sa mukha niya. "O, bat parang galit ka ata?"

Ay hindi, natutuwa ako. Asar!

"Are you seriously asking me that right now? Ewan ko sa'yo!" Inirapan ko siya.

Ilang sandali pa'y nakita kong napangiti ang mokong. "Nagseselos ka ba?"

Nanlaki ang mga mata ko. "NO! Asa ka naman!" At tumalikod ako sa kanya.

Dugdug. Dugdug.

Napalunok ako. Why is my heart pounding so loudly? Pusang gala naman o!

Muli niya akong niyakap nang mahigpit mula sa likod ko. "Uy, nagseselos ata ang Joy ko eh." Then I saw a playful smile on his lips, dahilan para mamula ang magkabilang pisngi ko at umiwas ng tingin sa kanya. Pusang gala!

"Ewan ko sa'yo, Ren. Tanungin mo dun sa mga babaeng kasama mo kanina."

"Haha! Sabi ko na nga ba, nagseselos nga ang sweetheart ko."

And the next thing I knew, I felt his chin on my shoulder and his lips press against my cheek.

Dugdug. Dugdug.

"Wag ka nang magselos, love," he whispered, may halong panlalambing ang boses niya. "Wala ka namang dapat pagselosan eh. Kahit ilang babae pa ang makausap ko, kahit gaano pa sila kaganda, wala kang dapat pagselosan kasi ikaw naman yung mahal ko eh. Okay? Wag ka nang magalit." Then he kissed my cheek again.

Double the AdventureWhere stories live. Discover now