♪ Epilogue ♪

330 4 2
  • Dedicated to all readers of Double J and the Music Cuties
                                    

♫ EPILOGUE ♫ (ft. Kung Akin ang Mundo by Erik Santos)

After that concert, Double J and the Music Cuties continued to be a successful band. Napadpad din sila sa iba't-ibang bansa pagkatapos ng Japan. After Japan, napunta sila sa Hong Kong. After Hong Kong, napunta sila sa Korea. After Korea, sa Singapore naman sila. After Singapore, sa London sila napunta. Then finally, napadpad sila sa New York.

Kahit magkalayo sila at matagal na silang hindi nagkikita, nandun pa rin ang communication ng anim sa mga naging kaibigan nila sa Japan. Lagi silang nakikibalita sa isa't-isa, kahit na sa Facebook at Skype lang sila nakakapagusap, kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin nila nakakalimutan ang isa't-isa.

At kumusta na ang buhay ng pinakacute, pinakasweet, at pinakamamahal na love team ng Double J and the Music Cuties na sina Joy Rhea Ruiko at Jhun Ren Sonoh? They're still together, and sweeter than ever.

And five years later, everything changed. On one special night.

----------

-Joy's POV-

~~

Happy birthday to you!

Happy birthday to you!

Happy birthday, happy birthday,

Happy birthday to you!

~~

"Yanne, blow your candles na," sabi ni Mommy.

"Make a wish! Make a wish!" dagdag ni Ron-Ron.

Yanne closed her eyes then she blowed her candles. She's five years old now. Parang kailan lang, noh? Parang kahapon, baby pa siya. Ngayon, malaki na siya. Malaki na ang nag-iisang little sister ko. Malaki na si Julianne Rhia Ruiko.

Nagsimula na ang kainan, siyempre andun ako kung saan si Yanne para bantayan siya. Sina Mom at Dad kasi, inaasikaso ang mga bisita naming mga matatanda, pati sina Tito Renato at Tita Amita. At siyempre, kasama ko si Kuya Ren. Sus, siya pa. Kelan pa yan nawala sa tabi ko? Haha.

"Yanne! Lika na!" tawag ko sa kapatid ko. Agad namang tumakbo si Yanne papunta sakin. Napangiti ako. Kahit pinagpapawisan na siya sa kakalaro ay maganda pa rin ang kapatid ko. "Yanne, kain ka na oh." Sinubuan ko siya ng spaghetti.

"Yanne, lika na, " yaya ni Ron-Ron.

"Kuya Ron-Ron! Tara!" Tumakbo na silang dalawa. Just like me and Kuya Ren, five years din ang agwat ng dalawang bata. She's five, he's ten. Kami kasi ng boyfriend ko, twenty-one na ako, siya twenty-five. Magtw-twenty-six palang siya sa April 22. Nag-birthday na kasi ako nung February 14 eh. History has a strange way of repeating itself, huh?

"Manang-mana talaga sa'yo si Yanne," sabi sakin ni Kuya Ren.

Napatingin ako sa kanya. "Ha? Bakit naman?"

"Pareho kayong makulit." Tapos tumawa siya. Nang-aasar na naman siya.

Inirapan ko siya. "Hindi naman ako makulit ah! Nakakaasar ka!"

Pinalo-palo ko siya, pero napatigil din ako nang bigla niyang nahuli yung kamay ko. Aish. Na-timingan niya ata.

"Pero kahit namana ni Yanne ang pagkamakulit mo, namana din naman ni Yanne ang ganda mo." Tapos ngumiti siya. Just then, he leaned in closer. No, not PDA again. Hindi ba niya nahahalata na ayaw kong PDA kami? Agh.

"H-hey."

"Hm?"

"Wag dito."

"Bakit?"

Double the AdventureWhere stories live. Discover now