Chapter 18: Dream

173 3 1
                                    

Chapter 18: Dream

I was so absorbed in my thoughts na di ko namalayan na umuulan na pala. Aish. Wala pa naman akong payong. Gotta run! WHOA! Muntik na akong napadulas nun ah.

Okay, so it's unsafe to run. Madulas ang daanan eh. Great, just great. I guess I have no choice, I'll just have to walk all the way back to the hotel. Wala naman kasi akong dalang pera para kumuha ng taxi eh. Badtrip lang. Aish.

I started to walk down the rainy streets of Tokyo. Aish. Basang-basa na ako. Gusto kong tumakbo, pero nag-aalala ako na baka madulas pa ako. Yaan na, I'll just wash up when I get there.

Wh-what's happening to me? Bakit parang bigla na lang akong nanghihina? At bakit parang biglang lumamig yung hangin? Why am I getting goosebumps all over? I don't feel so good all of a sudden, parang gusto ko nang humiga at magpahinga. I just hope I could make it to the hotel on time.

-Ren's POV-

Nakahiga lang ako sa kama namin habang nakatitig sa kisame. I wonder how Joy's doing, hindi ko kasi siya nakita buong araw. Kumusta na kaya siya? Is she okay? Hayy, nag-aalala na ako para sa kanya.

Lumabas ako ng kwarto para tignan siya sa kwarto nila Thine, Miles at Aims, dun kasi siya nag-iistay ngayon. Sana okay na siya kahit papaano. Miss na miss ko na siya eh.

Pagbukas ko ng kwarto, nakita kong may taong nakahiga sa kama. Nakatakip siya ng kumot. Sino kaya yun? Lumapit ako sa kama at inalis ko yung kumot na nakatakip sa mukha nung tao.

"Joy? Joy okay ka lang?"

Si Joy yung nakita kong nakahiga sa kama, nanginginig siya at parang basa pa siya. Anong nangyari sa girlfriend ko? Saan siya pumunta kanina at basa siya pagbalik dito? Tumingin ako sa labas ng bintana ng kwarto namin. Umuulan ng malakas. Tsk. Kaya naman pala.

Hinawakan ko yung noo niya. Oh my. Ang init niya. Nilalagnat na tong si Joy. At asan ang tatlong Music Cuties? Bakit walang nagbabantay sa kanya?

Just then, nag-ring yung phone ko.

From: Music Cutie Thine

Kuya Ren, pakibantay mo naman si bez. Ang taas ng lagnat niya eh. 38.2. Bumili lang kami ng pagkain kasama si Manager Krishelle. Thanks!

Himala, hindi na galit sakin yung bestfriend niya ah. Siguro sinabi na ni Manager Krishelle sa kanila yung talagang nangyari sa amin ni Joy. Well, mabuti naman kung ganun. At kaya naman pala wala sila dito. Tsk.

Double the AdventureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon