Chapter 4: Twin Brother

260 2 0
                                    

Chapter 4: Twin Brother

 

 

"Kyaaaaaaaaaaa!"

 

 

Anjan ang pagsalubong ng mga Japanese fans namin paglabas namin. Siyempre di kami tumanggi sa mga nagpapapicture at nagpapa-autograph samin.

 

 

Habang naglalakad, hinde ko mapigilang mapawow sa mga nakikita ko. Despite the fact na matao dito, ang daming shops dito sa Tokyo. Specifically, dito sa Shibuya district. Grabe. As in, nandito lahat, from clothes to gadgets to restaurants. I feel like going on a super shopping spree!

 

 

Pumunta muna kami sa parteng malapit sa Shibuya Station. In fairness, maganda ang lugar, may mga Sakura trees sa paligid namin. Spring na kasi dito sa Japan kaya in full bloom ang mga bulaklak nito at yung iba ay nagsisilaglagan na. It gives me this calm, serene feeling. Ang sarap kasing pagmasdan eh. Nakakakalma.

 

 

"Ang ganda noh? Parang nakakarelax ang dating," sabi ko kay Kuya Ren sabay sandal sa balikat niya. Nakaakbay siya sakin habang naglalakad kami.

 

"Oo nga. Parang romantic pa nga di ba?"

 

"Hmm, oo nga."

 

"Guys! Tignan niyo to!"

 

 

Napatingin kami kay Thine. Nakatingin lang siya sa isang statwa ng isang aso.

 

 

"Ano yun?" tanong ko sabay lapit namin sa kanya.

 

"Guys tignan niyo to oh," sabi ni Thine sabay turo sa nakasulat sa ibaba ng statwa. "Loyal Dog Hachiko. Teka lang. Parang alam ko to ah. Nabasa ko ang kwento nito one time."

 

"Ha? Ano yun?" tanong ko. "Kwento mo naman samin, bez."

 

"Oo nga Thine," sabi naman ni Manager Krishelle. "Tell us."

 

 

Nakinig na lang kaming lahat habang kinuwento samin ni Thine ang story tungkol sa isang asong nangangalang Hachiko. Long time ago, may isang professor na nangangalang Hidesaburo Ueno. Siya yung owner ni Hachiko. During his owner's life, Hachiko greeted him at the end of the day dito mismo sa Shibuya Station. Since then, lagi nilang ginagawa yun. Laging sinasalubong ni Hachiko si Professor Ueno sa train station.

 

 

Pero isang araw, hindi na bumalik si Professor Ueno sa train station. Namatay na pala siya dahil sa cerebral hemorrhage. Pero kahit ganun ang nangyari, hinintay pa rin siya ni Hachiko. Everyday for the next nine years, Hachiko waited for the return of his owner, hanggang sa namatay na rin siya, dun din mismo sa pwesto kung saan lagi niyang hinihintay ang amo niya.

 

 

Habang pinakinggan ko ang kwento ni Thine sakin, hindi ko napigilang mamangha and at the same time ma-touch sa kwento ni Hachiko. Imagine, nine years waiting for an owner that doesn't come back anymore. That is what I call real friendship. Ang loyal talaga ni Hachiko sa puntong wala na yung amo niya eh hinihintay niya pa rin to.

Double the AdventureWhere stories live. Discover now