Chapter 20: Cheesy

241 4 2
                                    

Chapter 20: Cheezy (ft. You Are My Sunshine by Elizabeth Mitchell)



-Joy's POV-



Ang bilis ng oras, noh? Parang kailan lang nag-land kami dito sa Tokyo. Ngayon, eto na kami. Isang araw na lang at concert na namin. Nagpractice kami ngayon sa Liquidroom, yung pangalan ng venue ng concert namin. Enjoy nga eh kahit buong araw kami doon. Nagstart kami ng 10 AM, mga 4 PM na kami natapos.



"Guys! Tignan niyo to oh," tawag ni Manager Krishelle samin nang naglalakad na kami palabas ng Liquidroom, katatapos lang ng practice namin.



Lumapit naman kami kay Manager na nakatayo sa tapat ng isang pader. At hindi lang yun isang pader, pader siya na punung-puno ng mga sulat! Pero hindi lang siya basta-bastang mga sulat, mga messages sila galing sa mga fans para sa banda namin!

Hindi ko napigilang ngumiti nang wagas. Nakaka-touch naman, ang supportive naman ng mga fans namin.



"Wow," manghang sabi ni Thine habang binabasa isa-isa yung mga nakasulat. "Para talaga samin tong mga messages na to?"

"Ang cool nga eh," komento ni Manager, halatang aliw na aliw rin siya sa mga nakasulat. "May ganyan pa talaga silang nalalaman ha."

"Pero hindi lang yun," sabi ni Miles. "Halos lahat ng mga nakasulat dito para kay Kuya Ren ata eh."

"Haha! Talaga lang ah. Ikaw na talaga ang famous, Kuya Ren," sabi naman ni Ate Aims.

Binasa ko ang ilan sa mga nakasulat sa pader.

'Ren, you're cute! <3'

'Ren's so cute!! ^_^'

'Ren pogi <3'

"Hahaha! Famous yarn?" sabi ko sa boyfriend ko na nakatayo malapit sakin. "Edi ikaw na ang madaming fans."

Nakita kong ngumiti si Ren sa akin at kinuha niya ang isang blue marker na nakalapag sa isang maliit na table sa isang tabi. "Kunwari fan din ako."

Tinignan niya muna nang saglit yung pader, naghahanap siguro siya ng pwedeng mapagsulatan. At pagkatapos nun ay nagsimula na siyang magsulat sa pader gamit ang marker na yun. Buti na lang pala at nakakita siya ng isang space para sa message niya.



Thank you! I love you!

-Jhun Ren

"Haha. Sigurado akong magugustuhan yan ng mga fans pag nabasa nila yun," sabi ni Ren nang matapos na siyang magsulat.

Hay naku, tong trip talaga ng boyfriend ko kahit kelan. Haha.



----------



Tumambay kami sa malapit na parke pagkatapos nun para magrelax at mag-unwind. Kahit papaano naman kasi ay nakakapagod magpractice ng ipeperform, lalo na pag dire-diretso ito. Nakaupo lang ako sa banig na nilatag namin habang nakasandal sa puno, si Kuya Ren nakahiga, si Thine nilalaro ang drumsticks niya habang nakikinig ng music, sina Miles at Ate Aimskie naglalaro ng Virus vs. Virus sa iPad mini ni Manager Krishelle na naglalakad-lakad lang.



"Sa iyo parang langit ang paligid kooooo," I sang.

"Aray naman." Nag-grin si Ren sakin. Hay naku, nang-aasar na naman tong boyfriend ko.

"Che! Inggit ka lang eh!" Namelat ako sa kanya.

Umupo siya mula sa pagkahiga. "Bakit naman ako maiinggit eh nagpapaulan ka?" Nag-grin na naman siya.



Double the AdventureWhere stories live. Discover now