Chapter 16: Mistaken Again

186 3 0
                                    

Chapter 16: Mistaken Again

-Ren's POV-

"Joy ko," sabi ko sa girlfriend ko.

Napatingin siya sakin. "Bakit?"

"Uhm, labas muna ako. May aasikasuhin ako eh."

"Sige. Ingat ka ha?"

Hinalikan ko ang noo niya. "Okay."

Lumabas na ako ng pintuan. Bibili pa kasi ako ng bagong gitara para sa concert. Siyempre naman, first concert namin to overseas kaya dapat maganda ang gitara ko habang nagpeperform kami.

Pumunta ako sa tindahan ng mga instruments na malapit sa nightclub. In fairness, maraming magagandang gitara dito kaya mejo natagalan ako sa pagpili. But while looking, I saw a shiny sky-blue electric guitar. Napangiti ako. Favorite color ko ang sky-blue. Ayos ah!

Kinuha yung gitara mula sa pinagsasabitan nito at umupo ako sa isang beatbox. Sinaksak ko yung gitara sa speaker malapit sa kinauupuan ko tapos inayos ko yung tono ng bawat string.

1 . . . 2 . . . 3 . . . 4 . . . 5 . . . 6 . . . 

Ayan. Maayos na. And for the final test, gamit ang kaliwang kamay ko, pinindot ko yung mga string nito at nag-strum ako ng konti gamit ang kanang kamay ko. Maayos naman yung tono niya. Walang bangaw, walang sintonado. Napangiti ako. I'll take it!

Just then, habang nagbabayad, nakita kong tumatakbo yung apat na Music Cuties sa labas. First Joy, then Miles, then Thine, then Aims. 

Wait. Is Joy crying? Anong nangyari sa girlfriend ko?

Pagkatapos kong bayaran yung gitara ko, dali-dali akong dumeretso sa hotel namin at agad akong kinabahan nang marinig ko yung pag-iyak ni Joy mula sa kwarto niya. What happened? Sino ang nagpaiyak sa girlfriend ko? 

"*hik* *hik* H-Hindi na niya ako mahal, bez . . . *hik*"

"Joy, wag kang magsalita nang ganyan. Mahal na mahal ka niya eh." Si Miles yun ah.

"NO, HE DOESN'T! HINDI NA NIYA AKO MAHAL!"

My whole body froze sa biglang pagsigaw ng girlfriend ko. A-ano? Anong pinagsasabi ni Joy? Hindi ko na siya mahal? That's not true! Mahal na mahal ko siya!

Double the AdventureМесто, где живут истории. Откройте их для себя