Chapter 1

2.3K 65 9
                                    

Mag isang nag lalakad si Ayu sa subdivision nila, boring kasi para sa kanya ang manatili lang sa loob ng bahay kaya naman ay napag isipan niyang mag libot libot muna, dala-dala niya ang aso ng kanyang kaibigan na pinangalanang si Kai.

Ang lawak pala nitong subdivision ni best friend, sa isip-isip niya habang nag lalakad ito hawak hawak ang tali ni Kai.

Pansin niya kasing puro malalaking bahay ang mga nakatayo at sobrang lawak nito, mayayaman lang naman kasi ang naninirahan dito at isa na doon ang kaibigan niyang si Gray, na siya naman ang kasalukuyang acting guardian nito since sinabihan si Gray ng mga magulang niya na bantayan siya.

May pag ka isip lalake si Ayu kaya naman ay mga lalake lang ang kinakaibigan nito sa dati niyang paaralan, wala rin siyang pakealam sa fashion at make up na iyan, tanging palagi lang niyang suot ay ang cap at ang boyish niyang pananamit.

Ang yaman nga pala talaga ni Kuya Gray noh Kai gusto kong kaibiganin yung mga kaibigan niya para masaya.

**

Samantalang abala naman ang grupong Dace sa pag uusap at pag pl-plano kung paano nila matatalo ang grupong kaaway nila, ang Demon, madali lang naman para sa kanila ang matalo ito dahil sila ang pinaka number one sa lahat ng gang sa lugar nila.

"Tiyak na mga tanga lang iyang mga 'yan, sino ba sila para hamunin tayo ng laban? Nag hahanap lang sila ng ikakasakit ng katawan nila" sabi ni Gray habang nilalaro yung bolang hawak niya

"Tngna! Hind na ako makapag hintay na basagin yung bungo nila" Francis na kagigising lang at mukhang wala ito sa mood.

"so ano ng plano mo Ace?" tanong naman ni Travis sa leader nilang si Ace na kasalukuyang nakapikit at kumakain ng lollipop.

"Just let them be" cold na sagot nito.

"Nandito na yung mahaba ang baba nating tropa" pang aasar naman ni Khalil sa kadadating lang na si Angelo, agad naman siyang binatukan nito ng makalapit na.

"baba ko na naman"

"Mahaba naman talaga" si Travis naman ang nag salita at nakatanggap rin ito ng batok mula sa kaibigan

"At least hind pandak na kagaya mo" napatayo si Travis at hinarap si Angelo.

"suntukan nalang oh" mayabang na sabi nito pero tinawanan lang siya ni Angelo.

"Tama na nga 'yan nandito na sila" nag sitayuan naman silang lahat ng makita ang papalapit na grupo ng Demon, kanya-kanya siya ng bitbit na panlaban.

"Simulan na natin ng makauwi na ako" walang ganang sabi ni Ace.

"Kaya na namin silang anim, Francis tara" tumango naman si Francis at nag simula na silang mag rambolan.

Sumugod ang isang lalake kay Ace at kamuntikan na siyang matamaan ng hawak nitong baseball bat buti nalang ay agad nitong nasuntok ang mukha.

"Weak" isinubo na niya ulit ang bagong bukas nitong lollipop at pinanood ang mga kaibigang halos mapatumba na ang lahat

"Ace mauna na ako, yung kaibigan ko kasi baka kung ano na ng ginawa nun sa bahay" tumango naman si Ace kaya naman ay umalis na siya.

"Basketball nalang tayo, ka boring ng laban" medyo naiinis na sabi ni Francis ng mapatumba lahat ng kalaban.

Halos mag kandalupasay na lahat ng nakalaban nila dahil sa mga natamong sugat na galing sa Dace, hawak hawak ng mga ito ang mga sugat na natamo nila.

"game!" pag sang-ayon naman ni Travis kaya ibinato ni Francis ang bola at sa kasamaang palad ay napalakas ito sa pang babato kaya naman...

**

Seven Jerks and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon