Chapter 25

591 25 3
                                    

Kasalukuyang nag titinda ang buong Dace kasama na ang ibang babae, gaya nga ng pinag usapan nila ay ginawa nila ito, sa halip kasi na tumunganga sila ng weekend ay mas nakakabuti nalang na mag tinda nalang sila.

"Nakakapagod namang mag tinda" pag rereklamo ni Angelo kaya nakakuha siya ng isang malakas na batok mula kay Dexter.

"G*g* kasisimula palang natin"

"Angelo huwag ka ng tumulong kung ganyan ka" naiinis na sabi ni Jhanica

"Nag loloko lang naman ako, masyado kayong seryoso" sabi niya at pinuntahan na niya sila Ace at Ayu na inihahanda ang ititinda nilang mga specialties ni Dexter, masarap naman ang luto niya kaya paniguradong dadagsahin ito ng mga tao.

Nasa may parke sila ngayon, nag tayo sila ng masisilungan at nag lagay rin sila ng mga lamesa at mga upuan na parang nag mistulang outside resto ito.

"Hello! Open na po ang aming Pinkishie Restaurant!!" masiglang saad ni Dexter

"Hindi ganyan, dapat ganito, *cough* Francis Gilagid Store" pagsingit ni Travis.

"It should be Travisdeputapandak Restaurant" hirit naman ni Francis at nag punas ng pawis niya"Ang init"

"Thank you!" sinamaan niya ng tingin si Dexter

"Badjao! Anong ginagawa mo diyan? Seryoso? Mag titinda ka ba talaga o mag papakafeeling pogi diyan?" sarkastikong saad ni Beatrice ng makita si Gray na nakahiga lang sa isang bench with matching sunglasses pa."Aba! Aba!—"

"Hayaan mo na siya Bea ko"

"Aysus! Bea KO daw" kinikilig na sabi ni Jasmine.

"Jasmine tulungan mo ako dito" napa'pout si Jasmine at lumapit kay Francis na ngayon ay nag aayos ng mga lamesa."Kaya mo na kasi yan mag-isa, kalalake mong tao"

"Nagrereklamo ka? Dexter—"

"Ssh! Huwag ka ngang maingay, hindi naman ako nag rereklamo" sabi niya at inirapan niya si Francis

"Tama na nga yang daldalan niyo" medyo pasigaw na sabi ni Dexter habang niluluto ang meryenda na ibebenta nila.

Lumapit naman si Francis kay Ace na ngayon ay nakaupo na sa gilid, inakbayan nito at pinat ang likod.

"Kumusta na kayo ni Ayu?" ngumiti naman ng malapad si Ace

"Nililigawan ko na siya bro"

"congrats!"

"Thanks"

"Kayong dalawa, samahan niyo ako sa kabila" nag katinginan muna sila at sabay na napailing

"Si Ace nalang, may gagawin pa kami ni Jasmine" tumango si Ayu at sumunod na nga sa kanya si Ace

Dinumog ng mga kababaihan ang kanilang restaurant ng mag tanghalian na, paano ba naman kasi, nag topless ang mga boys habang naka-apron, sino ba naman ang hindi makakapansin doon.

"Anong order mo miss?" tanong ni Travis at nag lip bite pa dahilan upang halos malaglag na ang bra ng babaeng iyon.

"Can I order you?"

"Take in or take out— Aray!!!" ayun binatukan siya ni Angelo

"Magtrabaho ka huwag makipag landian, mas lalo kang liliit niyan" pang aasar niya kaya napa'pout si Travis, o di ba, from hottie guy to cute guy real quick.

"Huwag kang epal Gelo, baka humaba rin baba mo" hirit niya pabalik at napatawa pa.

"Pwew! Ang raming babae ah, mukhang kayo pa ang gustong orderin" saad ni Jhanica na kagagaling lang sa labas, pawisan pa ito pero maganda parin"Kung kaya—"

Seven Jerks and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon