Chapter 9

894 35 0
                                    

Kasalukuyang nag hahanda ang mga estudyante para sa nalalapit na foundation day, maging ang dace ay hindi mahagilap dahil palaging may pag pupulong sa student council room, kaya mag-isa na naman siya, si Jasmine? May klase siya.

Tahimik lang siyang kumakain ng burger nang may tumabi sa kanya, si Chael, nakangiti ito na tila ba ay walang pinoproblema.

"Hi!"  napatingin lang sa kanya si Ayu ng walang expression"Do you want to come with me? Mukhang na boboring ka"

"We're not friends" tatayo na sana si Ayu pero pinigilan siya nito"Ano ba?!!!"

"S-sorry, gusto ko lang naman makipag friend sayo" binitawan na niya si Ayu at nag lakad na paalis, bigla naman nakaramdam ng konsensya ito kaya agad niyang tinawag bago pa makalayo.

"Fine! Oo na, I will go with you but we can't be friends"

"Why?"

"Because I don't like you" diretsahang sabi niya at inunahan na sa pag lalakad si JC na napailing nalang.

Nag tungo sila sa labas ng paaralan nila, nang medyo makalayo-layo na sila sa F.U ay hinatak ni JC si Ayu patungo sa bilihan ng street foods, bumili ito ng dalawang pishball na nakastick at nang mabayaran na ay ibinigay niya ang isa kay Ayu.

"Ano ito? "

"Fish ball"

"Nakakain?" bigla nalang natawa ng mahina si JC dahil sa itsura ni Ayu, mukha kasi itong inosente na parang ngayon lang nakakita ng ganoon

"Try mo kayang tikman" napatingin si Ayu sa hawak niyang stick at dahan-dahang kumagat doon"ano? Masarap?"

"Oo, wah! First time kong makakain ng ganito" napangiti nalang si JC dahil nagawa niyang mapangiti ang dalaga"Bilhan mo pa ako ng dalawang stick then we will be friends" dahil sa kagustuhan niyang maging kaibigan si Ayu ay bumili pa siya, lahat ng itinuturo ni Ayu na gusto niyang kainin ay binibili niya naman.

"May gusto ka pa?" umiling nalang si Ayu at binuhat na yung supot na nag lalaman ng iba't ibang uri ng street foods, may fishball, calamares, squidball, chicken skin, tokong at marami pa"Kaya mo bang ubusin iyan?" hindi makapaniwalang tanong niya.

"Oo naman, so saan mo na ako dadalhin ngayon?" napa-isip naman agad si JC.

"aha! Alam ko na, tara"  hinila na niya si Ayu patungo sa may sakayan ng jeep

"Saan tayo pupunta?"

"Edi sa HQ namin, ipapakilala kita sa iba ko pang kaibigan" then he smiled.

***

Katatapos lang ng meeting nila Ace at patungo na sila sa classroom para sana sunduin si Ayu pero ni anino nito ay wala silang nadatnan, sinubukan pang tawagan ni Gray ang cellphone number nito pero hindi niya sinasagot.

"May problema ba?" tanong ni Khalil ng makita si Gray na mukhang nag aalala

"Nawawala si Ayu" napatingin sa kanya ang lahat, including Ace na nakakunot na ang noo ngayon.

"Where the fck did she go?" naiinis na sabi naman ni Francis, supposed to be kasi ay matutulog na muna siya pero kailangan na naman nilang hanapin si Ayu.

"I think I already know where she is" nakangising sabi ni Ace at nag pamulsang nag lakad palayo sa kanila, nag katinginan naman ang mga ito bago sinundan si Ace.

"Paano mo nalaman?" tanong ni Gray ng makasakay na siya sa kotse ni Ace.

"Private investigator" walang emosyong sagot niya at pinaandar na ang bagong bugatti veyron na pinabili niya sa dad niya.

Seven Jerks and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon