Chapter 10

856 33 11
                                    

Tatlong araw na ang nakalipas simula nung huli silang mag-usap ni Jeremy, hindi parin matigil sa kakaisip si Ayu sa sinabi ni Jeremy na rebelasyon daw. Walang pasok kaya naman ay nanonood lang siya at kumakain, si Gray? He is nowhere to be found.

"walang forever" bulong niya ng makitang may kissing scene ang pinapanood niya.

Nang matapos na ay pinatay na niya iyon at dahil sa maaga pa ay napagdesisyunan niyang lumabas muna at mag libot-libot. Habang nag lalakad siya ay may mga lalakeng humarang sa kanya, ordinaryong mga lalake lang ito na nag babasketball sa subdivision nila.

"Hi! Miss! Nice to see you again" napairap si Ayu ng mag salita ang leader nila.

"Excuse me" Tinaasan niya ang mga ito ng isang kilay, hindi kasi sila gumagalaw, nanatili lang sila sa kinatatayuan nila"Ano ba!!"

"sumama ka nalang sa amin miss" hinawakan siya nung isa nilang kasama pero agad niyang tinabig iyon

"Matapang pre" sabi naman nung isa at nakipag-apir pa.

"Wala ba kayong magawa sa buhay at kung sino-sino ang kinakausap niyo?"

"You're not a stranger for us Ayu" napatingin si Ayu sa isa nilang kasama, may salamin ito sa kanyang mga mata.

"How did you know me?"

"Gray's friend right? That bastard who almost killed my younger brother" may halong galit na sabi ng leader nila

"Wala akong kinalaman sa mga pinagsasabi niyo kaya pwede ba? Layuan niyo ako" maglalakad na sana si Ayu pero pinigilan na naman siya nung nerd"Bitaw" nawalan na siya ng pasensya kaya naman ay napabuntong hininga siya at sinuntok ang pag mumukha nung nerd na nakahawak sa kanya, matagal tagal narin siyang hindi nakakasuntok kaya hindi niya sigurado kung nasaktan nga ba siya o hindi

"Fck!" nakahawak lang siya sa panga niya at napatingin kay Ayu ng masama.

"No wonder, mag kaibigan nga kayo, tsk! Boys" lumapit sa kanya ang iba nilang kasama at pinag tulungan si Ayu, napapikit nalang siya ng itinaas ng leader nila ang kanyang kamao.

"Pasalamat ka babae ka" nakaramdam siya ng kilabot sa katawan ng bigla siya nitong hawakan sa pisnge, iminulat niya ang kanyang mga mata at sinamaan ito ng tingin.

"Bitawan.niyo.ako" tumawa sila

"Let go of her" napatigil sila sa pag tawa at sabay-sabay na napatingin kay Ace na walang ka emo-emosyon at nakapamulsa pa habang ngumunguya ng lollipop.

"Tsk! Nandito na ang Ace" natatawang sabi nung isa pa nilang kasama.

"Let.go" binitawan naman nila si Ayu at nilapitan si Ace, he attempted to punch him but he failed, nakaiwas siya agad

"Aba! Tsk!" pinagsusuntok siya pero puro iwas lang ang ginagawa niya kaya naman ay naiinis na ang mga ito sa kanya"Lumaban ka ng patas"

"Tsk!" sa halip na mag salita ay nilapitan lang niya si Ayu at hinatak palayo sa kanila."Run"

"Nakalimutan mo na ba?
May hika ako" bulong niya at kumapit sa may laylayan ng shirt niya, Ayu is a strong girl but in their situation ay natatakot na siya.

"Pre mukhang wala tayong makukuha sa kanila" saad nung nerd na sinuntok ni Ayu"Balikan nalang natin sila next time"

"Tsk! I thought you want to fight?" sa halip na aalis na sila ay naudlot iyon dahil sa pag salalita ni Ace na may halong kayabangan.

Seven Jerks and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon