Chapter 6

992 40 12
                                    

Dedicated to Jhanica Casabar, special mention ateng? haha! Thank you sa pagiging fan mo, sana patuloy mo parin ako susuportahan...yun lang 😘

—ParkYongMin

****

Nagising si Ayu dahil sa sobrang sakit ng ulo niya, napaupo siya sa kama at sinubukang tignan ang nasa paligid, obvious naman na kwarto ito ng lalake dahil sa kulay ng walls at iba pang gamit dito.

'Anong nangyari?' tanong niya sa isip niya, napatingin pa siya sa katawan niya, may damit pa siya it means walang nangyari.

"Gising ka na pala" napatingin siya kay Ace , he was holding a bowl of lugaw, pinaghirapan nitong lutuhin dahil nga hindi naman siya marunong mag luto.

"Anong ginagawa ko dito?"

"You passed out"

"Bakit iba na yung suot kong damit? Don't tell me" ibinaba ni Ace yung lugaw sa lamesa malapit sa higaan.

"Hindi ako ang nag palit sayo, kainin mo na iyan o baka naman gusto mo pang magpasubo?" inirapan lang siya ni Ayu kaya naman ay lumabas na siya ng kwarto"Sungit, tinulungan ko na nga" bulong niya sa sarili niya.

Biglang kumulo yung tiyan ni Ayu, ayaw niya sanang kainin yung niluto nito dahil baka nilagyan ni Ace ng lason pero nagugutom na talaga siya kaya naman in the end ay napilitan rin siya na kunin iyon.

Dahil nga mainit pa ay hinipan niya muna at isinubo, agad niya rin ito iniluwa dahil nga sobrang pait nito, halos mamula na siya dahil doon.

"Bwisit! Gusto niya bang patayin ako?" bumangon na siya at lumabas ng kwarto, kinuha niya yung bag niya sa may sofa at tinungo ang daan palabas pero hindi pa man siya nakakalabas ay nag salita na si Ace.

"Where do you think your going?" napataas ang kilay niya at nilingon si Ace

"Going home ano pa ba? Tsk! Thank you sa tulong ah, malapit pa akong nalason sa niluto mo" sarkastikong sabi niya at tuluyan na siyang lumabas.

'lagot ako kay Gray nito'

Nang makababa na siya ay tinungo niya na agad ang sakayan ng jeep, wala siyang dalang pera dahil nga nagastos na niya iyon kahapon at kakasya lang ang pera niya sa pang pamasahe ng Jeep.

Nang makasakay na siya ay hindi niya inaasahan ang nakita niya, si Khalil na nakasakay sa jeep? Seryoso?

"Ayu?" sabi niya at nag iwas ng tingin.

Hindi naman kasi talaga mayaman si Khalil, mahirap lang sila at mayroon pa nga siyang part time job sa isang restaurant, wala na kasi siyang mga magulang at kailangan pa niyang buhayin ang nakakabatang kapatid nito. Walang ibang nakakaalam ng tungkol sa totoong estado niya sa buhay, tanging si Travis lang at wala siyang planong sabihin iyon sa ibang myembro ng Dace.

"Woah! Hindi ko akalain na isang Khalil, sumasakay rin ng ganito" amaze na sabi ni Ayu at napangiti nalang si Khalil.

"Can you keep this as a secret?" tumango naman si Ayu

"Don't worry hindi ko ito ipagsasabi sa iba" she pat his shoulder"But can you tell me about it? I mean, bakit sa school parang ang yaman mo kung manamit at sa labas ng school naman ay simple ka lang?"

"I will tell it to you some other time" napangiti nalang si Ayu at tumango"Bakit ka nga pala nakapangbahay?" saka lang niya narealize na nakapajama lang siya na pantulog at shirt, she look around her and people there are looking at her.

Seven Jerks and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon