Chapter 13

755 26 4
                                    

Dahil sa nangyaring gulo ay hindi na natapos ang laban nila, itinakbo sa ospital si Ace dahil mas lalala pa ang sitwasyon niya kapag hindi nila ipinacheck up ito ng maaga.

Two years ago, Ace got an accident, sobrang lakas ng impact nun sa kanya na umabot pa sa comatose ng isang taon. Ulo niya ang sobrang naapektuhan doon kaya hanggang ngayon ay may time na inaatake ito ng sakit.

"Gray magiging okay ba siya? Bakit ba kasi siya nahimatay?" hindi mapakaling tanong ni Ayu, nasa labas sila ng emergency room, hinihintay ang pag labas ng doktor.

"Magiging okay rin siya Ayu" si Khalil na ang sumagot sa tanong niya

"Bakit ba alalang-alala ka? May gusto ka ba sa kanya?" nakakunot ang noong tanong ni Francis, napatingin silang lahat kay Ayu at hinihintay ang magiging sagot niya"gusto mo siya? Am I right?"

"No of course not, why would I? Never ko siyang magugustuhan" sabi ni Ayu, mag sasalita pa sana si Travis pero lumabas na ang doktor.

"Kumusta ang kaibigan namin tito?" agad na tanong ni Dexter, since uncle naman niya ang doktor, ngumiti naman ito.

"Normal lang ang nangyari sa kanya, this is a sign na paunti-unti na siyang makakaalala ng mga memoryang nakalimutan niya Two years ago, congrats! Malapit na siyang gumaling" tinapik ng doktor ang balikat ni Dexter at umalis na.

"So it means?" nag katinginan silang lahat at maging kay Ayu ay napatingin sila.

"May amnesia rin siya?" hindi makapaniwalang tanong ni Ayu

"Oo Ayu, mukhang meant to be kayo"pang-aasar ni Angelo

"Huh?"

"Di ba nga nag ka amnesia ka rin?" pag papaliwanag ni Angelo at umarte pa ito na tila ba ay tuwang tuwa sa nangyayari.

"How did you know?"

"Ang rami niyong satsat, hindi sila meant to be ni Ace, dahil kami lang ni Babe ang para sa isa't isa" singit ni Travis at inakbayan pa si Ayu pero agad rin siyang siniko ni Ayu sa may tiyan niya"Babe naman"

"Stop calling me babe"

"Sus! May pababe-babe ka pang nalalaman Travis, samantalang in love ka na nga sa best friend ko witwew" pahabol na sabi ni Angelo at pumasok na sa loob kaya naman ay sumunod narin sila.

Gising na si Ace kaya naman ay kinausap na nila ito tungkol sa nangyari sa kanya.

"Anong naalala mo?"

"Nothing"

"Kiel gusto mo—"

"Can you repeat calling me Kiel?" napakunot ang noo ni Ayu at napatingin sa kanila Gray

"Kiel?" napangiti si Ace at nag iwas nalang ng tingin

"Kumusta yung laban?"

"Itutuloy nalang daw bukas" sagot ni Gray.

"So ano na?"

"May sasabihin nga pala ako" napatingin sila kay Ayu"It's my debut on August 23, if you want to come..." kinuha ni Ayu sa bag niya ang mga invitations na ibinigay sa kanya ng mommy niya"Here's my invitation cards"

"Woah! Birthday mo pala!" —Angelo

"Sorry nakalimutan namin" —Dexter

"Okay yan, maraming chicks doon panigurado" —Travis

Seven Jerks and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon