Chapter 24

563 22 0
                                    

Nagiisip si Jhanica ng paraan kung paano nga ba matutulungan si Khalil sa magandang paraan, nasa garden siya ng school nila, gaya ng Fiona University ay malaki at sikat ring paaralan ang Greig University, pangatlong international school ito sa pilipinas. Marami ang mga estudyanteng nakakapasa at ni isa ay walang bumabagsak dahil sa grading system nila.

"What to do?" tanong niya at napahawak sa ulo niya.

"Excuse me miss, gusto mo bang bumili ng ensaymada ko?" napatingin siya sa isang nerd na may dala-dalang paper bag, tumango siya at bumili ng isa, nang makaalis na ang nerd ay agad niyang kinain iyon dahil na gugutom na siya.

'argh! Ano bang dapat kong gawin?' napatitig siya sa kinakain niya at dahan-dahang napangiti ng may maisip siyang ideya.

Tumayo na siya at nag lakad palabas ng campus, nag commute nalang siya at tinungo ang F.U, nung una ay hindi pa siya pinapapasok ng guard dahil nga naka uniform pa siya ng G.U.

"Manong sige na, pinapapunta ako ng Dace dito" ayaw parin siyang papasukin ng guard kahit na mag pa cute na siya

"Hindi pwede—"

"Let her in" napatingin si Jhanica sa nag salita, it was Dexter, he is wearing his sweetest smile"Papasukin mo siya o mawawalan ka ng trabaho?" agad naman akong pinapasok nung guard kaya pumasok na ako

"We need to talk" bago pa makapag salita si Dexter ay hinatak na siya ni Jhanica"Nasaan ang Student Council room?" itinuro naman agad ni Dexter kung saan nga ang kwartong hinahanap niya, sigurado kasi siyang nandoon ang buong Dace at hindi nga siya nag kakamali.

"Jhanica? Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Angelo na mukhang gulat na gulat

"I have a problem, I mean Khalil needs you" sagot niya ng makapasok na siya, pinaupo muna siya ni Dexter sa tabi ni Ace"I know hindi naman dapat ako ang mag sasabi nito pero para rin naman kay Khalil ang ginagawa ko"

"Just straight to the point" pag susungit ni Francis, nakakunot pa ang noo niya.

"Khalil's little sister needs a heart transplant as soon as possible" saad niya kaya nag katinginan sila.

"What do you mean sister? Wala siyang nababanggit sa amin tungkol sa sinasabi mo" nakakunot na noong tanong ni Ace

"Yun na nga, isinekreto niya sa inyo ang totoong estado ng buhay niya, mahirap lang siya at kailangan natin siyang tulungan" napaayos ng upo si Travis.

"How can we help him?" tanong ni Travis at napatingin sa kanilang lahat.

"Mag ambag nalang tayo, mayaman naman tayo" sabi ni Dexter na tila ba ay wala lang sa kanya iyon.

"No, huwag nating gamitin ang pera ng magulang natin, kung talagang gusto nating tulungan si Khalil ay dapat galing ang pera sa sariling sikap natin" napabuntong hininga siya

"Anong gagawin natin?" tanong ni Angelo

"Mag bebenta tayo"

"What? Tsk! I'm out—"

"Francis, we're Dace and that means?" tanong ni Gray

"We should help each other" pag papatuloy ni Dexter

"Anong ibebenta natin?" tanong ni Angelo"Kung pag kain lang ay wala na tayong problema doon, may chef na tayo" napatingin pa siya kay Dexter at nakipag-apir.

"Ilang pera ba ang kailangan?" tanong naman ni Ace

"60,000 Ace at kailangan na nating mag simula bukas"

Seven Jerks and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon