Chapter 8

934 43 0
                                    

Mag-isang naglalakad si Ayu sa hallway ng paaralan nila, hawak hawak nito ang isang pulang rosas na pinitas niya sa mga halamang nakatanim doon, inaamoy-amoy niya ito at napapangiti nalang siya.

Feeling niya kasi ay parang may kulang sa kanya at ito ang isa sa paraan para maalala niya iyon, para bang may nakalimutan siyang isang napakahalaga sa kanya.

Napatigil siya sa pag lalakad ng biglang sumakit ang ulo niya, napa sigaw siya ng mahina dahil doon, parang iniipit kasi ito at may kung ano-anong imahe rin siyang naalala.

"Kuya gusto ko iyan!" kitang kita niya  ang sarili niya noong mga limang taong gulang palang siya

"Ah ito ba?" tanong ng lalakeng hindi niya kilala, mga dalawang taon ang agwat nila.

"Yung rosas ang gusto ko" napapout siya at natawa nalang ang lalake—

"Ayu! Okay ka lang? May masakit ba sayo?" napamulat siya ng maramdaman na may humawak sa braso niya, tinignan niya ito.

"Dexter?" hinilot hilot niya ang sentido niya at tumingin kay Dexter ng diretso"Okay lang ako, bigla lang sumakit yung ulo ko"

"sigurado ka? Dalhin nalang kita sa clinic"

"Okay lang ako Dex" ningitian niya pa ito para makumbinsi na okay nga talaga siya kahit ang totoo ay sumasakit parin ang ulo niya"Sige na, mauna ka na sa klase mo"

"Okay, mag ingat ka" saad ni Dexter at umalis na siya, nang makaalis na ito ay napaupo nalang siya sa bench at sinubukang alalahanin yung mga naalala niya, ni kahit isang katiting lang na ideya ay hindi na naman niya maalala.

'ano kaya yung naalala ko?'bulong niya sa sarili niya na may halong pag tataka

"Bes!" napatingin siya sa tumawag, it was Jasmine, mukhang maganda ang araw nito dahil hanggang tenga ang ngiti niya, palibhasa hindi maka move on sa nangyari sa kanila ni Francis kahit na alam niya sa sarili niya na hindi naman para sa kanya iyon"Tara na" hinatak niya si Ayu patayo, buti nalang ay nahimasmasan narin si Ayu.

Nang makatapat na sila sa kanya-kanya nilang classroom ay nag hiwalay na sila agad. Pumasok si Jasmine at agad na napunta ang tingin niya kay Francis na nasa tabi ng upuan niya, hindi naman sila mag ka upo pero doon umupo si Francis.

Kinakabahan siyang lumapit sa kanya, nang mapansin ni Francis yung presence niya ay napatingin siya kay Jasmine, he is looking—nor staring at her like he wants to say something.

"Did I kiss you?" bigla nalang nakaramdam ng hiya si Jasmine, ramdam niyang namumula na siya.

"I—"

"Okay" tumayo na si Francis, matangkad ito kaya naman ay napaangat siya ng tingin"Just forget about it" nag pamulsa na siya at nag lakad palabas ng classroom nila, napahinga naman ng maluwag si Jasmine.

"How can I forget about it? Ni hindi na nga ako maka move on eh" napabuntong hininga siya at umupo na.

***

Pagkatapos ng klase nila ay dumiretso na si Ayu sa canteen, break time na kaya naman ay marami naring estudyante doon, nang makabili na siya ay dumiretso na siya sa may yellow shed malapit sa garden ng school nila. Usually dito na kasi siya tumatambay dahil bukod sa mahangin ay malayo pa siya sa grupong Dace, oo, mag kakaibigan na sila pero hindi parin maiwasan ni Ayu na makaramdam ng hiya.

"Hi!" napatingin siya sa umupo sa tabi niya, lalake ito at nakacivilian kaya paniguradong outsider iyon"Why are you alone?" 

Seven Jerks and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon