Chapter 16

706 27 1
                                    

Seven na ng gabi at lahat na ng mga bisita ay paunti-unti ng dumadating, nandoon narin ang Dace, nakaupo sila sa pinakaunang table at hinihintay nalang si Ayu.

Magkatabi si Khalil, Ace, Dexter,Gray, Francis, Travis, at Angelo at nasa kabilang table naman ang mga girls since pang pitong tao lang bawat table.

Natigil sila sa pagkwekwentuhan ng may pumasok na grupo, it was that Dragon, maangas silang pumasok at nang matapat na sila sa kinaroroonan ng Dace ay tumayo narin ang mga ito.

"What the hell you're doing here?" tanong ni Ace at tinaasan ng kilay si Kayven

"Obviously? We're invited" sagot ni Kayven at napasmirk pa siya, nag titigan sila ng masama"Nice to see you here"

"Tsk!"

"Bantayan niyo si Ayu, baka mamaya tigok na siya" agad na kinuwelyuhan ni Ace si Kayven dahil sa sinabi niya kaya agad namang naalerto ang iba nilang kaibigan at pumigil sa dalawa. Napatingin naman ang mga ibang bisita sa kanila at nakiusosyo.

"Kngina mo Kay! Try to touch her! Ako ang makakalaban mo" galit na sigaw ni Ace at akmang susuntukin na niya si Kayven buti nalang ay napigilan ng Dace iyon, si Francis na ang pumagitna sa kanila.

"Bro relax, gusto mo bang masira ang debut niya ng dahil sa atin?" pag papakalma ni Khalil

"Tsk!"  nagpalitan pa sila ng masamang tingin sa isa't isa bago umalis ang Dragon, umupo sila sa kabilang table kaya kitang kita nila ang isa't isa.

"Gusto ko silang upakan, namumuro na sila" naiinis na sabi ni Gray ng makaupo na siya, napatingin pa ito sa table nila Kay pero agad rin siyang umiwas.

"Marami ang nakatingin sa atin, just calm down" sabi ni Angelo at pinat ang balikat ni Gray.

Maya-maya pa ay dumilim na ang paligid, tanging ang naiwan nalang na liwanag ay ang nanggagaling sa stage kung saan bababa si Ayu at lahat ng mga bisita ay tumahimik na.

"I can't wait to see her" excited na sabi ni Jasmine habang nakatingin sa stage.

"Me too, I bet she's more beautiful today" sabi naman ni Beatrice at uminom ng kaunti sa wine niya.

Nang matapos mag salita ang MC ay nag palakpakan ang lahat ng lumabas na si Ayu, labas ang ngipin na ngiti ni Ayu habang nakahawak siya sa kamay ni Yhon, gusto kasi ng Dad ni Ayu na siya ang maging escort ng anak.

Umupo siya sa gitna, ayaw man niya ay wala narin naman na siyang magagawa. Mula sa itaas ay kitang kita niya ang mga bisitang nakatingin sa kanya, feeling niya ay nasa kanya na ang atensyon nilang lahat.

"Ayu" inilahad ng dad ni Ayu ang kanyang kamay at nag punta na sila sa gitna para isayaw si Ayu.

(Play: Dance with my father Instrumental)

"Ang ganda naman ng anak ko" nakangiting saad ni Yhon habang isinasayaw si Ayu"You're eighteen now, always remember to be good"

"Oo naman Dad" medyo nakaramdam ng lungkot si Ayu ng yakapin siya ng Dad niya.

"Huwag ka ng manununtok ng lalake" napalitan ng tawa ang luhang tumulo sa mga mata niya.

"Dad, I love you" saad niya bago sila mag hiwalay

"I love you too my girl"

Nanatili nalang siyang nakatayo doon hanggang sa lumapit sa kanya si Gray, may hawak itong bulaklak at ibinigay kay Ayu.

(Play: Forevermore by Juris)

"Whatever happens please stay safe" napakunot ang noo ni Ayu sa sinabi ni Gray, mag tatanong sana siya pero inagaw na siya ni Travis

Seven Jerks and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon