Chapter 27

579 21 0
                                    

Isang buwan na ang nakalipas nang ilipat nila si Khaila at si Calvin, medyo gumagaling na si Calvin at nakakapag salita na siya, si Ayu at Gray narin ang nag kwekwento ng nakaraan para maalala niya.

Sa project naman nila, nakapag-ipon na sila ng sapat na pera para kay Khaila, hindi alam ni Khalil iyon dahil isusurprise daw nila na gaya ng sinabi ni Angelo.

"Kuya kumain ka na" napatango naman si Calvin at sinimulang kainin ang niluto ni Dexter

"Hindi ba bakla si Dex?" biglang nabulunan si Ayu dahil sa tanong ni Calvin, saktong pumasok si Dexter na dala dala ang kaldero

"Bro naman, hindi ako bakla" napatingin si Dexter kay Khalil na tawa ng tawa"Tatahimik ka diyan o susundutin ko yang mata mo?"

"tatahimik na" tahimik na silang kumain, may pasok ngayon pero nag absent sila Ayu dahil kay Calvin.

"Bakit ka ba nag absent Khalil? marami ka ng absent, buti nalang hindi ka pinapagalitan ng principal" nakakunot ang noong tanong ni Ayu, halos isang buwan na kasi itong absent.

"Connections"

"Malamang kaibigan niya si Ace" pag singit ni Dexter

Nang matapos sila sa pag kain ay napagdesisyunan nilang mamasyal muna, nakawheel chair lang si Calvin habang itinutulak ni Ayu, si Khalil at Dexter naman ay nasa likod lang nila. Ano pa nga ba edi bantayan si Ayu.

"Ayu paano kita naging kapatid?"  tanong ni Calvin

"Dahil nga pareha kayong inire ng nanay niyo" pag singit ni Khalil kaya napatingin si Ayu sa kanya ng masama.

"Ako kasi ang tinatanong hindi ikaw kaya pwede bang tumahimik ka lang"

"Sungit, red days" ayun hindi na nakapag pigil si Ayu at nabatukan na niya ng ubod ng lakas si Khalil."Ouchie mommy!!!—aray! Isa ka pa bakla"

"Alien ang puta" napaface palm nalang si Dexter.

Habang nag lalakad sila ay nakasalubong nila ang dragon, agad na hinarangan nila Dexter ang mga ito para hindi sila makalapit sa kanila Ayu.

"What do you want?" tanong ni Dexter pero napangisi lang si Kayven.

"I just want to see Calvin" umabante siya pero humarang ang dalawa

"Ayu!" napatingin si Ayu sa tumawag sa kanya, it was Jc

"Oh Jc! Dexter hayaan mo na sila" napabuntong hininga ang dalawa at hinayaan na ang Dragon na makalapit kay Calvin.

"Yo bro! Namiss ka namin, kumusta ka na?" feeling close na bungad ni Kayven, napatingin pa siya kay Ayu at ningitian ang dalaga"Ang ganda parin ng kapatid mo"

"What are you saying?" tinaasan niya ng isang kilay si Kayven, akmang hahawakan nito ang pisnge niya pero tinabig ni Khalil ang kamay niya

"Tsk! Napaka protective talaga, mauna na kami, Calvin ingat ka!" tumango lang si Calvin at umalis na nga sila.

"Mga walang magawa sa buhay" naiinis na sabi ni Dexter.

***

Nag eensayo naman ng sayaw si Angelo, pinapavideo nito kay Travis habang sumasayaw, kanina pa sila nag bababad sa practice room pero wala pang nagagawang tama si Angelo.

Natigil lang siya sa pag sayaw ng pumasok si Francine sa loob na may dala-dalang cake, napangiti si Angelo ng makalapit na ang dalaga, habang si Travis naman ay patuloy parin da pag video, he zoom in into her face.

Seven Jerks and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon