Chapter 19

711 27 6
                                    

Nag sama-sama lahat ng Dace sa HQ, maging si Ayu na ngayon ay nakatunganga lang, tahimik silang lahat, nag papakiramdaman kung sino ang unang mag sasalita, si Ace ayun nakatitig kay Ayu, gustong gusto niyang hawakan ang kamay nito pero baka magalit siya. Lalo na't ang sama ng tingin ni Ayu sa grupo nila.

"Now explain everything" napalunok si Gray ng mag salita na si Ayu

"Ganito kasi—" pag singit ni Travis pero sinamaan siya ng tingin ni Ayu kaya natahimik narin siya

"This happens two years ago..." tumigil si Gray sa pag sasalita at uminom ng tubig"Ikaw at si Calvin ay aalis sana patungong US pero may nangyaring hindi inaasahan, hindi na icheck ng security ang private airplane niyo, hindi nila nakitang may bombang naka implanta doon, sumabog iyon, lahat ng nakasakay ay patay maliban sa inyong dalawa, it's a miracle for us that you two are still alive, supposed to be ay hindi ka sana mabubuhay kung hindi dahil kay Calvin, he hug you that time kaya siya ang mas naapektuhan..."huminga siya ng malalim at ipinagpatuloy ang pag kwekwento"medyo nasunog ang mukha mo Ayu kaya kinailangan nilang i plastic surgery noon kaya medyo nag iba ang itsura mo, about naman kay Ace" tinaasan siya ng isang kilay nito"Nalaman niya ang tungkol sa aksidente kaya—"

"Tatanga tanga, binilisan ang pag mamaneho, boom! Patay, naaksidente siya at na comatose for almost a year" napatingin sila kay Khalil sa biglaang pag sasalita niya"What? Binilisan ko lang ang pag kwekwento?"

"Then one time nagising si Ace, hindi na niya maalala ang lahat at ikaw naman Ayu, magaling ka na roon at sumasama ka sa mga feeding program at iba pa, nag punta ka pa nga sa ospital ni Ace at tumugtog" napakunot ang noo ni Ayu, naalala niya yung araw na iyon"Nakita ka ni Ace nun pero hindi ka niya pinansin, he just told me about it"

"So it means siya yun?" hindi makapaniwalang tanong ni Ace.

"Yes, pinaglalaruan kayo ng tadhana"  nakangising sabi ni Travis"Sayang crush ko siya noon, plano ko pa mandin na agawin siya sayo— aray! Nag jojoke lang eh" binato kasi siya ni Ace ng figurine ni Superman.

"S-sino ang  nasa likod sa lahat ng nangyari sa amin?" pinipigilan niyang maluha pero hindi niya talaga kayang pigilan kaya naiyak na siya"S-sino? Tell me"

"Black Diamint, Isa sila sa mga sikat na sindikato sa bansa at dahil sa mayaman kayo at may galit sa dad mo ang leader nila ay napag planuhan nilang patayin kayo pero huwag ka ng mag alala, nakakulong na sila ngayon at namatay na ang leader nila" lumapit si Ace kay Ayu at niyakap ito

"N-naiintindihan ko na ang lahat Kiel" napangiti si Ace ng tawagin siya nitong Kiel

"pero hindi pa diyan natatapos ang problema natin" humiwalay sila sa yakap at pinunasan naman agad ni Ayu ang luha niya"Do you know why we lied to you?" umiling si Ayu"Kasi may isa pang kasabwat ang sindikatong iyon, hindi namin alam kung sino dahil hanggang ngayon ay hindi pa namin nakikilala, kamuntikan kang namatay noon buti nalang ay dumating kami at naagapan namin, that is also the day na napagdesisyunan namin na gumawa ng kwento"

"So siya ang nag papadala ng death threats sa akin?"

"Maybe yes or no" si Francis ang sumagot"Hindi kami sigurado kung sino nga ba talaga"

"Huh?"

"Dragon is one of our enemy Ayu, Kay is trying to find your brother, may galit siya sa kapatid mo"

"Ano ba kasing kinalaman ng kapatid ko sa inyo?"

"He is our leader, siya rin ang nakapatay sa kapatid ni Kay kaya ganun nalang ang galit niya at kagustuhan niyang mahanap ang kuya mo"

Seven Jerks and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon