Chapter 23

589 23 0
                                    

Mag-isang nakaupo si Ayu sa classroom nila, maaga siyang pumasok dahil nga hindi siya tinamad ngayon, iniisip niya parin kung sino ang misteryosong lalake ang nag bigay sa kanya ng kwintas na suot suot niya ngayon. Paano nga ba nalaman ng lalakeng iyon na nandoon si Ayu?

Napakaimposible namang si Khalil yun..

"Himala ang aga mo ngayon" napatingin siya kay Travis, mukhang masaya ito dahil ang lawak ng ngiti

"Ikaw? Bakit ganyan itsura mo?"

"Makakauwi na kasi si Francine, you know? Kailangan kong maging masaya dahil magaling na ang aking future" napailing nalang si Ayu ng kumindat ito"Namiss ko rin siya"

"Wow! araw-araw ka kayang nandoon para bantayan siya" 

"Tsk!" napapitlang siya ng biglang dumating si Ace, as usual, nakapoker face na naman at nakaheadset.

"Hindi manlang ngumiti, kaya siguro lumaki ilong niya" bulong ni Ayu dahilan upang matawa si Travis na siyang nakarinig ng sinabi niya"Teka nga, seryosong usapan, bakit ang aga niyo?"

"Hindi mo alam?" umiling lang siya at napakunot ang noo"Patapos na ang sem at mag kakaroon tayo ng retreat, tradition na kasi na kapag grade 12 ay kailangang mag karoon ng ganoong aktibidad bago maka graduate"

"ah ano naman kung ganoon nga? Anong konek sa pag pasok niyo ng maaga?"

"Tanga ka ba? Malamang mag kakaroon na naman kami ng meeting at syempre kaming Dace ang mag papasya ng pupuntahan, cool right? So saan mo gustong pumunta? Ako ng bahala doon" may halong kayabangang sabi niya.

"Hindi ko alam haha"  napatingin si Travis kay Ace na nakapikit lang, nilapitan niya ito at tinanggal ang headset niya

"What?!"

"Ano bang problema niyong dalawa? Bakit ganyan ka Ace?"

"Tsk!"

"Hello bestfriend!!" napangiti si Ayu at nag wave kay Jeremy, lumapit sa kanila ito at nakipag beso-beso kay Ayu

"The fck! Mas magaling ka palang mag ninja moves Jeremy, may pahalik halik pa kay Ayu, wala tinalo ka pala niya Ace—" hindi na natapos ni Travis ang sasabihin niya ng padabog na tumayo si Ace at lumabas ng classroom nila"Sabi na nga ba"

"bes sasama ka ba sa retreat?" tumango si Ayu

"Bakit mo ginawa yun?"

"huh? Alin? Yung pag halik ko sayo sa cheeks? Ginawa ko lang yun para makita ko ang reaksyon ni Ace" saad ni Jeremy, sa totoo lang nakakahalata na si Ayu sa ikinikilos ni Jeremy.

Nung nag punta siya sa bahay ni Jeremy ay may nakita siyang something, damit babae at wig, ang weird lang pero hindi na iyon pinansin ni Ayu.

"Bakla ka ba?" diretsahang tanong ni Ayu"Come on, you can tell me"

"Hindi noh, may nililigawan nga ako" tinignan lang siya ni Ayu."Sino nag bigay sayo niyan?"

"Hindi ko alam"

"Aha! Naalala ko, parang familiar sa akin iyan, saan ko na nga ba nakita yan? Parang hawak hawak ni—"

"Uy Jeremy!! May pinag usapan tayo di ba? Tara" biglang singit ng isa nilang kaklase

"Bes alis muna ako"

"Okay"

***

Seven Jerks and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon