Chapter 4

1.1K 47 0
                                    

Pwew! Salamat sa mga nag vovote dito, sana hindi kayo mag sawang mag hintay ng updates haha.

Vote and Comment!!! Maraming salamat
***
Lunes na naman at himala ata dahil tanghali na ng magising si Ayu, puyat na naman kasi siya dahil sa ingay ni Gray, kaya panigurado na buong araw siyang badtrip dahil dito.

*cring*

Pang limang beses ng nag ring ang alarm clock niya kaya naman ay inabot niya ito at ibinato kaya naman ay nasira niya iyon.

"Hoy Ayu! Gising! Malalate na tayo"  napamulat ng mata si Ayu at tinignan ng masama si Gray, sobrang sama ng tingin nito kaya naman ay napailing nalang si Gray, alam niya kasing siya ang dahilan kung bakit ganun ang itsura ng kaibigan."sorry naman"

"Tabi na, maliligo na ako" napapahikab na sabi ni Ayu at bumangon na.

8:00 am

Supposed to be ay 7:30 ang pasukan nila ngunit sadyang late na talaga si Ayu at wala na siyang magagawa doon, si Gray? 9 am naman ang sa kanya.

"Ayu! Mauna na ako" sigaw ni Gray mula sa labas at lumabas na ito sa kwarto ni Ayu, napapailing nalang siya ng maalala yung nangyari nung weekend, hindi siya makapaniwala na magiging close sila agad ng kabarkada niya, well, except nalang kay Travis at Ace na sadyang kinakainisan ni Ayu.

Nang makaligo at makapag ayos na si Ayu ay hindi na siya nag aksaya pa ng oras, dumiretso siya agad sa paaralan nila, alam niyang huli na siya at hindi na siya papapasukin ng guard kaya nag-isip siya ng ibang paraan.

"aha! Alam ko na" bulong niya ng makaisip siya ng ideya kung paano makakapasok.

Nag lakad siya patungo sa may likod ng school nila, tumingala siya sa isang napakalaking wall, she is examining it para malaman niya kung paano siya makakaakyat, sakto namang may nakita siyang tali kaya agad niya itong hinila-hila, sinigurado na muna niyang matibay ito bago siya umakyat.

Naging succesful naman ang pag akyat niya pero hindi niya inaasahan ang inabutan niya, si Khalil na nanonood ng kung ano sa may gilid, natatakpan ito ng puno pero mahahalata parin na siya iyon dahil sa pula nitong buhok.

Dahan dahan siyang nag lakad patungo sa kinauupuan ni Khalil, gugulatin niya sana ito pero agad namang nakaramdam si Khalil kaya lumingon ito sa dalaga.

"Ano ba iyan" frustrated na sabi niya saka tuluyan na niyang nilapitan si Khalil"Di ba may klase ka ngayon? Anong ginagawa mo dito? At saka ano yang pinapanood mo?" she tried to look at his phone but he already turn it off, bigla naman naisip ni Ayu na baka iba ang pinapanood niya, yung natural sa lalake naanood ng ganung video.

"That's not what you think" saad ni Khalil bago pa man siya makapag salita ulit"Tara na nga"

Dahil sa mag katabi lang naman ang room nila ay sumama nalang sa kanya si Ayu, nasa kalagitnaan na sila ng hallway at wala paring nag sasalita sa kanila, may parte kasi na ayaw ni Ayu ang nakikisalamuha sa iba lalo na kung kaibigan ito ni Gray.

"Ayu can I ask you a question?" napatingin sa kanya si Ayu na may kunot noo.

"you're already asking"

"Do you have a brother?" natigilan si Ayu dahil sa tanong niya, napatigil pa ito sa pag lalakad"Sorry to ask—"

"Wala naman akong kapatid" still, nakakunot parin ang noo nito.

"Ganun ba, wala ka bang kilalang Calvin?" ngayon ay nakakunot noo narin si Khalil at seryosong nakatingin kay Ayu kaya mas lalong napaisip si Ayu kung sino ba talaga yung Calvin na pinagsasabi nila.

Seven Jerks and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon