Chapter 28

583 23 1
                                    

Kasalukuyan silang nasa pribadong ospital, ngayon na kasi ooperahan si Khaila at kasalukuyan na nga iyon, nag hihintay lang sila sa labas ng operating room.

"mag relax ka nga lang Khalil" sita ni Jasmine, nahihilo na kasi ito sa pabalik balik na pag lalakad niya.

"Prince ko upo ka muna dito, she will be fine" napahinga ng malalim si Khalil at tinabihan si Jhanica.

"Bro alis muna ako, nakakabitter" pag paalam ni Travis.

"Bitter si Pandak" pang aasar ni Angelo

"Bitter is better"pag singit ni Beatrice.

"Hindi niyo pa kasi nararanasan ang mag mahal ng may mahal ng iba" sabi ni Travis sabay tingin kay Francine, himala at hindi mag katabi si Francis at Francine.

"Sinong kambing?" tanong ni Angelo

"Ikaw— ay mali pala, kabayo ka pala" hirit naman ni Ayu at natawa.

"Kung makatawa kayo parang wala tayong problema" natahimik sila dahil sa sibabi ni Gray.

"Masyado ka namang seryoso" sabi ni Francis

"Nag salita ang hindi seryoso" poker face na sabi ni Ace"Ayu gusto mo bang sabay na tayong umuwi mamaya?"

"Sabay kami ni Gray—"

"Yeah ako ang mag uuwi sa kanya" walang emosyong sabi ni Gray, wala kasi itong tulog dahil nga gumagawa siya ng bagong kanta.

"Khalil pwede bang tanggalin mo yang hairband mo, mukha kang ewan" napahawak naman si Khalil sa hairband niya, pag aari iyon ni Jhanica pero hineram nito, abnormal talaga.

"Alien"

"Baba"

"At least gwapo"

"Saan banda?" natatawang tanong ni Ace

"Sa ilong mo" ayun nag kapikunin na, saka lang sila natahimik ng lumabas na ang doctor na agad namang sinalubong ni Khalil.

"Doc kumusta po ang kapatid ko?"

"She's fine, all is well Mr. Martinez, all she needs to do is rest, excuse me" napahinga ng maluwag si Khalil dahil sa sinabi ng Doctor, inilipat narin nila si Khaila sa recovery room.

"Thank's God okay lang siya" bakas sa mukha nila na masaya sila.

***

Nang makalabas na si Travis ay dumiretso na siya sa address na ibinigay ng mommy niya, bagong bahay ng pamilya nila ito at talagang pinag planuhan ang pag papatayo, para daw kasi ito sa magiging future na asawa ni Travis.

Nang makapasok na si Travis sa loob ay sumalubong na sa kanya ang kambal niyang kapatid, niyakap siya ng mga ito.

"Kuya!!"

"Si mommy?" agad naman siyang hinila ng dalawa papunta sa dining area"Oh dad, why are you two here?" Pinaupo siya ng mommy niya.

"We are here to discuss your marriage" nanlaki ang mga mata ni Travis dahil sa sinabi ng dad niya

"What the hell! Mom! Are you joking?!!" napatayo siya.

"Bunganga mo Travis" patuloy parin sila sa pag kain na tila ba ay walang pakealam sa reaksyon ni Travis

"This is b*llsh*t!!"

"What is bllsht?" tanong ng kambal kaya napatingin sa kanila si Travis ng masama.

Seven Jerks and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon