Chapter 29

545 24 0
                                    

"Fck!" puro basag ng salamin ang naririnig, si Gray, bigla nalang siyang nag wala at kung ano-ano na ang binabasag niya lalo na't nalaman niya na mismong si Michelle ay nag sisinungaling at kamuntikan ng malason si Ayu

"Kuya Gray tama na" hindi niya pinansin si Ayu, napatingin siya kay Michelle na umiiyak na ngayon

"Tell us! Sino si BL?!!!" siga niya

"I d-don't know her"

"B*llsh*t!!"

"S-sorry—aw" napatingin sila Ayu kay Michelle, bigla nalang itong napahawak sa tiyan niya at nahimatay buti nalang ay nasalo siya agad ni Gray.

Tinakbo na niya ito palabas, habang si Ayu at Francine naman ay sobra ng nag aalala kay Michelle, tinawagan narin nila ang iba at papunta na sila sa hospital.

"Ang OA naman ni Gray! Nakakainis" saad ni Ayu nang makarating sila sa ospital, nang nasa tapat na sila ng emergency room ay sinalubong siya ni Ace.

"Okay ka lang? may masakit ba sayo?" binigyan lang niya si Ace ng 'Baliw ka ba look' hindi naman kasi siya ang nasaktan, ang o-oa ng mga tao ngayon"Tngnang Khalil, sabi niya nalason ka daw kaya kami tumakbo dito"

"Nag maneho hindi tumakbo" poker face na sabi ni Francis at umupo na sa gilid, napatingin pa siya kay Jasmine na ngayon ay nakatingin rin sa kanya.

"Can we talk privately?" napaiwas ng tingin si Jasmine

"Michelle need us" simpleng sagot niya.

Nang lumabas na ang doctor ay agad na tinanong ni Gray kung ano ang nangyari, sobra ang pag aalala niya sa dalaga at sinisisi niya rin ang kanyang sarili sa nangyari.

"Ano? Kumusta ang baby?" tanong ni Ace

"She's fine and the baby..."

"Huwaahh!! Mamimiss ko ang little Angel ko!!! Huwag mo muna akong iiwan" sigaw ni Angelo na may pa walling effect pa, napatingin tuloy sa kanya ang mga taong dumadaan.

"Hindi po namin yan kilala" sabi ni Khalil sa isang nurse na napatingin kay Angelo, napatingin rin siya sa cleavage nung babae at napansin iyon ni Jhanica kaya nakatanggap ito ng masakit na kurot."Aw!"

"Huwag kang malandi Alien"

"Ano na Gray? Kumusta?" hindi mapakaling tanong ni Francine, feeling niya kasi ay siya ang dahilan kung bakit naging ganun ang kinalalabasan ng pag uusisa niya.

"they both fine" lahat sila napahinga ng maluwag.

Nang ilipat na nila si Michelle ay pumasok narin sila sa loob, umalis si Francis dahil nawalan siya ng gana, ganun din si Khalil at Jhanica na may gagawin DAW, kaya ang naiwan nalang ay si Ayu, Gray, Angelo, Francine at Ace.

"Ayu" napatingin si Ayu kay Ace"Sa akin ka nalang muna mag stay" tinaasan ni Ayu ng isang kilay si Ace.

"Why would I? Ayoko nga" uupo na sana siya sa sofa pero pinigilan siya no Gray sa pamamagitan ng pag upo doon, mukha itong problemado kaya hinayaan nalang niya"Kuya mauna na muna ako" pag papaalam ni Ayu at lumabas narin siya ng kwarto, napansin niyang sumusunod si Ace sa kanya kaya binilisan niya ang pag lalakad niya.

Naramdaman naman niyang may humawak sa kamay niya kaya agad niyang tinignan ng masama si Ace at pilit na tinatanggal ang pag kakahawak nito.

Seven Jerks and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon