Chapter 12

835 28 8
                                    

"What happened?" tanong ni Dexter ng makarating siya ng ospital, natamaan kasi ng bala si Gray, buti nalang ay nadaplisan lang siya at dahil sa sobrang pagkataranta ay tinawagan ni Ayu lahat ng kaibigan niya.

"H-he got—" hindi na niya natapos ang sasabihin niya ng bigla nalang siyang niyakap ni Ace ng napakahigpit, dahil doon ay napaiyak pa siya lalo.

"Don't talk, everything will be alright" bulong niya at pilit na pinapakalma si Ayu ngunit hindi parin siya tumitigil sa kakaiyak

"K-kasalanan ko"

"Sssh!!" hinagod hagod ni Ace ang buhok niya."Khalil, Dexter go check him" tumango naman ang dalawa at pumasok sa kwarto, nadatnan naman nila doon ang doktor at kinausap ito

"A-ace someone wants to kill me, I don't know what to do" humiwalay si Ace sa pagkakayakap niya at hinawakan ang magkabilang pisnge ng dalaga, pinunasan niya rin ang luha ni Ayu gamit ang thumb niya.

"Kalma, nandito naman ako—I mean kami, hindi na namin hahayaang maulit ito, ipinapangako ko" napatitig sila sa isa't isa pero agad rin namang umiwas ng tingin si Ace dahil nalulunod ito sa mga titig ni Ayu.

"Thank you" napangiti si Ace at ginulo ang buhok ni Ayu

"Tara, hinahanap ka na ni Gray, don't worry malayo naman iyon sa bituka kaya hindi niya ikakamatay 'yon"

Pumasok na sila sa loob at agad nilang nilapitan si Gray na ngayon ay nakangiti na, nang makalapit na si Ayu ay mahinang pinalo-palo niya ang dibdib ni Gray.

"Aw! Ayu naman" daing niya dahil na palo ni Ayu ang sugat niya sa tagiliran.

"Dapat para sa akin yun, bakit mo sinalo?"

"It's my duty to protect you Ayu, okay na ako kaya huwag ka ng umiyak diyan, look at them, nakatingin na sayo" pinunasan agad ni Ayu ang luha niya at napatingin ng masama sa anim na nakatayo ngayon sa harapan niya.

"Pre mamimiss ka namin, sumalangit nawa ang iyong kaluluwa—aray! Kailangang bumatok" napahawak si Khalil sa parteng binatukan ni Francis

"Huwag kang mang Alien ngayon please lang" saad ni Dexter at nilapitan na si Gray"Ano bro? Makakalaro ka pa ba ng basketball?"

"Oo naman" mayabang na sagot niya, kinurot naman ni Ayu ang braso niya.

"Bawal kang mag laro"

"Ang cute niyong mag pin—" bago pa masabi ni Angelo ang hindi dapat sabihin ay tinakpan na ni Travis aaang bunganga niya.

"Tumahimik ka nga" bulong niya bago bitawan si Angelo.

"Oo na, tatahimik na, palibhasa may gusto siya sa bestfriend ko" napangiti naman ng patago si Travis dahil sa sinabi ni Angelo.

Nag kwentuhan lang sila hanggang sa sumapit ang gabi, napagdesisyunan ni Ayu na manatili muna para mabantayan si Gray, ganun rin naman si Ace.

Habang nag babalat ng apple si Ayu ay hindi niya mapigilan ang hindi mapatingin sa natutulog na si Ace, ibinaba niya ang hawak niyang kutsilyo at apple sa maliit na lamesa at dahan dahang nilapitan si Ace, napangiti siya ng makita ang kabuoan ng mukha niya, ngayon niya lang napansin na may mahaba pala siyang palik mata at nakakaakit rin ang kanyang mga labi.

"Stop starring at me will you?" agad siyang napatayo at nag-iwas ng tingin

"Hindi kita tinititigan noh, kapal ng mukha mo" sabi niya at nilapitan si Gray na ngayon ay nakatulog na, kinumutan niya ito at napabuntong hininga nalang siya ng maalala ang nangyari, she felt like she got a trauma that it is familiar to her.

Seven Jerks and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon